Tabi ka muna X.Borg. May bago nang partner na hero ang War Axe ngayon sa Mobile Legends: Bang Bang.

Kung laman ka ng mga ranked games ngayon, mapapansin mo na madalas na picked or banned ang assassin na si Saber ngayon. Hindi kataka-taka ito, lalo na kung titignan mo kung ano ang epekto ng War Axe sa hero kahit pa na-nerf ito sa katatapos lang  na Mobile Legends patch 1.5.88.

Gaano ba kalakas ang Saber ngayon?

Credit: Moonton

Kung titignan ang Saber, matagal ng mid-tier ang hero nito kahit pa maraming nabago sa kaniya sa nakalipas na seasons. Mataas ang kaniyang early game damage ngunit malimit na bumababa ang kargada pagdako ng late game lalo na kung nakapag-stack na ng physical defense items ang mga kalaban.

Sa pagdating ng item na War Axe, mas tumaas ang tiyansa ng champion na mapagtagumpayan ang kakulangan niya sa late game. Kasama nito, mas matindi ang Saber ngayon sa early at mid game.

Swabe ang karagdagang peneteration na dulot ng item sa kaniyang passive na Enemy’s Bane na nagpapababa ng physical defense ng kalaban pagkatapos ng skill hit o basic attack.

Bukod dito, nagbibigay din ng physical attack at cooldown reduction ang War Axe kaya naman mahirap kontrahin ang hero na ito sa unang sampung minuto ng laro.

Pinakakapansin-pansin ang epekto ng War Axe sa abilidad ng Saber na pumunit ng malalambot na heroes gamit ang kaniyang ultimate skill na Triple Sweep.

Paano laruin ang Saber na may War Axe sa Mobile Legends?

Maraming paraan para maging epektibo gamit ang Saber, ngunit isa ang Mobile Legends content creator na si Elgin na nagbahagi ng pinakaepektibong paraan kung paano imaniobra ang Wandering Sword ngayon.

Sa isa niyang Youtube video, binigyan niya ng diin ang importansiya ng War Axe kumpura sa iba pang items na binubuo para kay saber. Aniya, inaasahan ang hero na bumalagbag sa early game at makakuha ng maraming kills, kaya magandang emblem ang Bounty Hunter para sa kaniya.

Nirerekomenda rin niya na laruin ang hero sa sidelane kung saan makakapokus ang player sa pagkuha ng mga early kills. Kung ikukumpara ang sidelane Saber sa jungler bersyo nito, mas maraming oras ang kakainin ng hero sa jungle kaya naman mas mababa ang tiyansang makakuha ng early kills.