Ang Fracture ang bagong Valorant map mula sa Riot Games, ang ikapito mula nang magsimula ang game noong June 2020. Ilalabas ang map kasabay ng Valorant patch 3.05 ilang linggo mula ngayon.

Naglabas ang game developers ng ilang detalye tungkol sa kakaibang layout at features ng Fracture at kung bakit naiiba ito sa ibang maps sa Valorant.

Ano ang maaasahan ng mga fans sa Fracture, ang bagong Valorant map

Inihayag ng map developers na ang Fracture ay magkakaroon ng H-shapre layout na may visual split sa gitna ng dalawang magkasalungat na landscape design. Ang Defender Spawn ay matatagpuan sa gitna ng map.

Ang isang parte ay tila isang desert wasteland, habang ang kabila naman ay makikitaan ng maraming halaman. Ramdam ang mala post-apocalyptic na tema ng map, na iba kumpara sa visuals ng mga nauna.

Valorant Fracture3
Credit: Riot Games

Makikita rin sa map ang mahahabang ziplines na nag-uugnay sa mga ruta sa ilalim nito. Katulad ng ibang maps, makikita ng mga fans ang kuneksyon nito sa Valorant lore, kabilang na ang mga kauna-unahang interactive na narrative objects.

Pansin na pansin sa Fracture ang mga pahiwatig ng mirroverse narrative na ibinunyag sa Duality lore cinematic. Dadalhin ng bagong Valorant map ang mga fans sa Mirror Earth Kingdom, ang sagupaan ng dalawang mundo.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.