Inanunsyo ng One Game Agency (OGA) kamaikailan ang kanilang pinakabagong Dota 2 tournament, ang Sapphire OGA Dota PIT Invitational, kung saan magbabakbakan ang ilan sa mga pinakamalalakas na koponan sa buong mundo.

Pitong koponan na dadalo sa The International 10 ang kasali sa torneo kasama ang Tundra Esports na nagkampeon sa ESL One Fall 2021. Paniguradong paiinitin ng Dota 2 patch 7.30b ang meta ng kompetisyon.


Ano ang Sapphire OGA Dota PIT Invitational?

Credit: WePlay! Esports

Ang Sapphire OGA Dota PIT Invitational ay isang online tournament na nilalaro sa European server ng Dota 2.

Sa torneong ito, masusubukan ng mga koponan ang kanilang mga strategy laban sa kanilang mga kaagaw sa Aegis of Champions sa TI10 na gaganapin sa susunod na buwan sa Bucharest, Romania.


Sapphire OGA Dota PIT Invitational schedule at mga resulta

Credit: WePlay! Esports

Ang torneo ay nakatakdang ganapin mula September 6 hanggang September 10. Ang mga resulta ay ia-update habang tumatakbo ang kompetisyon.

Upper Bracket Round 1 (September 6)

TEAMRESULTATEAM
PSG.LGD2-1Team Undying
T12-1Team Spirit
Fnatic2-0Thunder Predator
Tundra Esports2-0SG Esports

Upper Bracket Round 2 (September 7)


TEAM
RESULTATEAM
PSG.LGD2-1T1
Fnatic1-2Tundra Esports

Lower Bracket Round 1 (September 8)

TEAMRESULTATEAM
Team Undying1-2Team Spirit
Thunder Predator0-2SG Esports

Lower Bracket Round 2 (September 8)

TEAMRESULTATEAM
Fnatic2-0Team Spirit
T12-1SG Esports

Upper Bracket Finals (September 9)

TEAMRESULTATEAM
PSG.LGD2-0Tundra Esports

Lower Bracket Semifinal (September 9)

TEAMRESULTATEAM
Team Spirit2-0T1

Lower Bracket Final (September 10)

TEAMRESULTATEAM
Tundra Esports2-0Team Spirit

Grand Finals (September 10)

TEAMRESULTATEAM
PSG.LGD3-1Team Spirit

Format ng Sapphire OGA Dota PIT Invitational

Credit: WePlay! Esports

Walong invited teams ang magsasagupaan sa isang double-elimination bracket.

Lahat ng mga match ay best-of-three, maliban sa grand finals na best-of-five.


Mga koponan na kasali sa Sapphire OGA Dota PIT Invitational

Credit: OGA Twitter

Ito ang walong koponan na naimbitahan sa torneo:

  • PSG.LGD
  • T1
  • Fnatic
  • SG Esports
  • Thunder Predator
  • Team Spirit
  • Tundra Esports
  • Team Undying

Prize pool sa Sapphire OGA Dota PIT Invitational

Ang kabuuang prize pool sa event ay US$275,000.

  • Champion: US$114,500
  • Runner-up: US$59,500
  • 3rd: US$32,100
  • 4th: US$22,900
  • 5th: US$13,800
  • 6th: US$13,800
  • 7th: US$9,200
  • 8th: US$9,200

Saan mapapanood ang Sapphire OGA Dota PIT Invitational?

Credit: OGA Twitter

Maaaring mapanood ng Dota 2 fans ang torneo sa Twitch channel ng OGA. Ang mga karagdagang impormasyon tungkol sa event ay maaaring makita sa website ng organizer.

Ito’y pagsasalin sa Filipino ng orihinal na akdang ito.