Opisyal na ang #OneShotOmega.

Babandera na sa ilalim ng Smart Omega ang dating kupunan ng Execration para sa parating na Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 8.

Kinumpirma ito ng organisasyon sa isang opisyal na anunsiyo sa Facebook kung saan pinangalanan din nila ang mga players na bubuo ng kanilang 10-man lineup.


Opisyal na lineup ng Smart Omega

Smart Omega ML

THE KINGS HAVE LANDED. ???? Introducing, Smart Omega's official roster for MPL S8!???? Billy "Z4pnu" Alfonso???? Joshua "Ch4knu" Mangilog???? Renz Errol "Renzio" Cadua???? Kiel Vj "Kielvj Gaming" Cruzem???? Grant Duane "Kelra" Pillas???? Patrick James "E2MAX" Caidic???? Robert Remar "HITO Candoy???? Dian Felix "DIAN" Cruz???? Dean Christian "DEAN" Sumagui???? Romeire "ALLIDAP" Padilla???? COACH: Jamie "Pakba1ts" AbalosThe Roster Reveal Party is still LIVE! Catch more of the newest members of the Smart Omega Esports fam here live:???????? https://bit.ly/SmartOmegaLIVE Let’s give these fine gentlemen our welcoming love, the only way we know how—Now or Never…One Shot, Omega!#OneShotOmega #SmartAko #SmartOMG #OMGML

Posted by Omega Esports on Monday, July 12, 2021

Buong lakas na sasabak para sa Smart Omega ang MSC 2021 championship roster na kinabibilangan nina Billy “Z4pnu” Alfonso, Joshua “Ch4knu” Mangilog, Kielvj “Kielvj” Hernandez, Renz “Renzio” Cadua, kasama sina Duane “Kelra” Pillas at Patrick “E2MAX” Caidic.

Makikibalagbag din ang beteranong si Dian “Dian” Cruz at mga rookies na sina Romeire “Allidap” Padilla, Dean “Raizen” Sumagui, at Robert “Hito” Candoy.

Sa coaching position naman, pangungunahan pa rin ng championship coach na si Jomie “P4kbet” Abalos ang bagong Smart Omega roster.


Bakit pinili ng EXE ang Smart Omega

Screenshot ni Calvin Trilles / ONE Esports

Sa programang inilabas ng organisasyon na pinamagatang OmegaXOver, sinagot ng mga bagong miyembro ng kupunan ng Smart Communications ang mga tanong tungkol sa pagbubuo ng tambalang ito.

Hinggil sa rason kung bakit pinili ng dating Execration ang Filipino Telecommunications company, ibinahagi ni E2MAX ang katwiran ng kaniyang grupo.

“Maraming lumapit bago ang Smart Omega. Pero alam ni boss Arvin kung saan kami maaalagaan.” ani ng beteranong support player. Dagdag niya, sa dami ng banyagang sponsor sa MPL PH, karangalang makuha ang Pinoy brand.

“Masaya kami na nakuha kami ng Smart na buo. Masaya kami na napunta kami sa local sponsor. Pinoy tayo. Tayo-tayo pataas.”

Sundan ang mga susunod na kabanata ng bagong Smart Omega team na ito sa pamamagitan ng pag-follow sa kanilang official Facebook at Twitter pages!