Maraming teams ang puspusang naghahanda para sa parating na VCT Stage 3 Masters Berlin tournament, ang ikalawang international Valorant competition ng Riot Games matapos ang maaksyong VCT Stage 2 Masters Reykjavik.

Ang tanging team pa lang na nakakuha ng spot para sa Valorant World Championship ng Riot Games sa katapusan ng taon ay ang Sentinels. Kung kaya’y lahat nang teams na kasali sa VCT Stage 3 Masters Berlin ay nakatuon ang atensyon sa kanila.


Top 10 Valorant teams na maglalaro sa VCT Stage 3 Masters Berlin

1. Sentinels

Valorant SentinelsVCT2021
Credit: Sentinels

Ang Sentinels ay ang kasalukuyang naghahari sa Valorant esports. Pinatunayan nila ito matapos maging kampeon sa VCT Stage 2 Masters Reykjavik nang wala maski isang talo.

Patuloy na namayagpag sa North America ang pinakamahusay na Valorant team sa buong mundo nang manalo sila sa VCT NA Stage 3 Challengers 1 at Playoffs para makapasok sa VCT Stage 3 Massters Berlin.

Sila ang team to beat para sa lahat nang teams na maglalaro sa Berlin. Sila na kaya ang magiging kauna-unahang back-to-back VCT Masters champions?


2. Gambit Esports

Valorant GambitEsportsVCT2021
Credit: Gambit Esports

Tila bagyong dumating sa CIS region ang Gambit nang magsimula ang VCT 2021 season. Sila ang kampeon ng VCT CIS Stage 1 Masters, at finalist sa kauna-unahang VCT EMEA Stage 2 Challengers Finals.

Maganda ang takbo ng karera ng CIS team upang maging unang powerhouse team ng rehiyon matapos manalo sa VCT CIS Stage 3 Challengers 1 Main Event.

Umarangkada ang ranking ng Gambit Esports nang magkampeon sila sa VCT EMEA Stage 3 Challengers Playoffs, matapos talunin ang Team Liquid, G2 Esports, Acend, at SuperMassive Blaze.


3. SuperMassive Blaze

Valorant SuperMassiveBlaze VCTStage3 Berlin 2021
Credit: SuperMassive Blaze

Nagulat ang lahat sa all-Turkish squad nang pagharian nila ang upper bracket ng VCT EMEA Stage 3 Challengers Playoffs upang mag-qualify para sa VCT Stage 3 Masters Berlin. Tinalo nila ang FunPlus Phoenix, G2 Esports, at Acend.

Kabilang sa SuperMassive Blaze ay mga beteranong Valorant pros mula sa iba’t ibang teams. Kahanga-hanga ang resultang ipinakita ng kanilang roster nang makuha nila si Batuhan “russ” Malgaç mula sa BBL Esports at ang First Strike champion na si Melih “pAura” Karaduran na galing sa Team Heretics.


4. Acend

Valorant AcendVCT2021-
Credit: Acend

Itinuturing na best Valorant team sa Europe, pumutok ang pangalan ng Acend matapos nilang manalo sa VCT EU Stage 1 Masters. Mas lalo pang sumikat ang team dahil sa Jett main na si Mehmet Yağız “cNed” İpek at sa husay ng kanyang Operator skills.

Maging si Tyson “TenZ” Ngo ng Sentinels ay itinuturing si cNed bilang pinakamahusay na Valorant player sa Europe. Isa rin ang Acend sa mga teams na sabik makaharap ni 100 Thieves Peter “Asuna” Mazuryk sa VCT Stage 3 Masters Berlin.


5. 100 Thieves

Valorant 100ThievesQualifiesForVCTStage3MastersBerlin
Credit: 100 Thieves

Mula pa nang manalo sila sa First Strike North America noong nakaraang taon, pilit nang hinahabol ng 100 Thieves ang Sentinels, ang pinakamahusay na Valorant squad sa Noirth America.

Sila ang may pinakamalawak na experience sa lahat nang teams na maglalaro sa VCT Stage 3 Masters Berlin. Kabilang sa kanila sina Spencer “Hiko” Martin, Nicholas “nitr0” Cannella, at Joshua “steel” Nissan, na mga beterano mula sa CS:GO.

Ito rin ang magiging international Valorant tournament debut ng 100 Thieves star duelist na si Asuna. May talento si Asuna upang maging pinakamahusay na Valorant player sa buong mundo balang araw, at maaari itong magkatotoo sa Berlin.


6. Vision Strikers

Valorant VisionStrikers VCTStage3 Berlin 2021
Credit: Vision Strikers

Muling nakuha ng Vision Strikers ang korona bilang pinakamahusay na team sa kanilang rehiyon matapos mag-qualify para sa Berlin nang manalo sila sa VCT Korea Stage 3 Challengers Playoffs.

Nang hindi makasali sa ang unang Valorant international tournament, nagdesisyon ng Vision Strikers na palakasin ang kanilang roster sa pagkuha kay Kim “Lakia” Jong-min ng NUTURN Gaming matapos ang nakakabilib nyang performance sa VCT Stage 2 Masters Reykjavik.

Ang Korean squad ang may pinaka kakaibang roster sa mga maglalaro sa Berlin. Ang kanilang roster ay may pitong players, at kahit na nasa ilalim ng prolonged medical leave si Kim “Zest” Gi-seok, nakaabang pa rin ang trainee na si Kang “BeYN” Kang Ha-bin.

Wala pang pormal na anunsyo patungkol sa kanilang fixed roster ang team.


7. Team Envy  

Valorant Team Envy VCTStage3 Berlin 2021
Credit: Team Envy

Bilang isa sa mga top-ranked squads sa North America, hindi pwedeng hindi kasama sa listahan ang Team Envy. Isa sa mga di malilimutang nagawa ng Team Envy ay ang ma-sweep ang Sentinels 3-0 sa VCT NA Stage 1 Challengers 2 Main Event.

Bago pa magsimula ang VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs, nakuha ng Team Envy si Jaccob “yay” Whiteaker mula sa Andbox, isang talentadong player na may potensyal gumawa ng mga pangwasak na mga plays, tulad nina TenZ at Asuna.

Ito ang international Valorant tournament debut ng Team Envy.


8. G2 Esports

Valorant MixwellViperVCTEUStage3Challengers1ClosedQualifier
Credit: Mixwell, Riot Games

Isa ang G2 Esports sa mga dating hari na ngayon ay nagbabalik.

Ang bagong roster ng team, na kinabibilangan ng mga dating myembro ng Team Heretics at Acend, ay isa sa mga bigating squads sa EMEA region.

Nakakabilib ang lower bracket run ng G2 sa VCT EU Stage 3 Challengers 1, kung saan nilaglag nila ang natic, FunPlus Phoenix, at Guild Esports.

Hindi naging madali ang simula ng VCT 2021 season para sa organization at mga players nito, ngunit sa dahil kanilang pagsusumikap, handa na sila patungong Berlin.


9. Keyd Stars

Valorant KeydStarsVCT2021
Credit: Keyd Stars

Kilala rin sa pangalang Vivo Keyd, nakipagbuno ang Keyd Stars sa lower bracket ng VCT Brazil Stage 3 Challengers Playoffs para mag-qualify sa Berlin.

Na-eliminate din nila ang VCT Stage 2 Masters contenders na Sharks Esports at Team Vikings bago nila ma-sweep ang Havan Liberty 3-0 sa grand final.


10. Zeta Division

Valorant ZetaDivision VCTStage3 Berlin 2021
Credit: Zeta Division

Ang Zeta Division, na dating kilala bilang Absolute Jupiter, ay ang pinakamalakas na team sa rehiyon hanggang sa maagaw sa kanila ng Crazy Raccoon ang korona sa VCT Stage 2 Challengers Playoffs.

Nakaganti ang rebranded na Zeta Division sa Crazy Raccoon sa VCT Japan Stage 3 Challengers Playoffs. Lilipad sila patungong VCT Stage 3 Masters Berlin bilang top seed ng kanilang rehiyon.

Ang VCT Stage 3 Masters Berlin ay magsisimula sa September 10, 2021.

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.