Ang pinakamahuhusay na Valorant teams sa Korea ay handa na para sa VCT Korea Stage 3 Challengers Playoffs kung saan dalawang teams ang aabante papuntang VCT Stage 3 Masters Berlin upang kumatawan sa kanilang rehiyon.
Pasok sa Playoffs ang VCT Stage 2 Masters Reykjavik representatives na Nuturn Gaming at ValorantFirst Strike Korea champions na Vision Strikers, kasama ang mga sumisikat na squads na F4Q at TNL Esports.
Ano ang VCT Korea Stage 3 Challengers Playoffs?
Sa tournament na ito pagpapasyahan ang huling dalawang teams mula sa Korean region na uusad patungong VCT Stage 3 Masters Berlin.
Schedule at resulta ng VCT Korea Stage 3 Challengers Playoffs
Ang Main Event ay magsisimula sa August 6 hanggang August 15. Ang huling dalawang teams sa Grand Final ay aabante papuntang VCT Stage 3 Masters Berlin tournament. (Ang lahat nang oras ay nasa GMT+8)
(To be updated)
Format ng Playoffs
Ang Playoffs ay susunod sa isang single-elimination format kung saan ang walong teams ay maglalaban-laban sa best-of-three matches, maliban sa Grand Final, na paglalabanan sa best-of-five.
Mga teams na lalaban sa VCT Korea Stage 3 Challengers Playoffs
Narito ang walong teams na nag-advance mula sa VCT Korea Stage 3 Challengers competition.
(To be updated)
- F4Q
- TNL Esports
- Vision Strikers
- Nuturn Gaming
- TBD
- TBD
- TBD
- TBD
VCT Korea Stage 3 Challengers Playoffs prize pool
Ang tournament ay may prize pool na US$70,000 na hahatiin sa mga teams ayon sa kanilang final placing.
- 1st: US$20,800
- 2nd: US$10,400
- 3rd-4th: US$6,900
- 5th-8th: US$5,200
Saan mapapanood ang VCT Korea Stage 3 Challengers Playoffs?
Mapapanood ng mga Valorant fans ang mga laban live sa Valorant Twitch channel at YouTube page.