Pinangalanan na ng star duelist ng 100 Thieves na si Peter “Asuna” Mazuryk ang mga international Valorant team na nais niyang makaharap sa paparating na VCT Stage 3 Masters Berlin.

Matapos maka-qualify ng kanyang koponan sa nasabing turneo, nakapanayam ng ONE Esports si Asuna ng 100 Thieves upang maipaliwanag kung bakit ang mga koponan sa labas ng North American region ang nais niyang makaharap.

Ang mga international team na gustong kalabanin ni Asuna ng 100 Thieves sa VCT Stage 3 Masters Berlin

100 Thieves Asuna
Credit: 100 Thieves

Ang unang koponang kanyang pinangalanan ay ang Vision Strikers. Mataas ang papuri ng 18-taong-gulang na pro sa Korean squad dahil minamata na niya ito simula pa noong Valorant Champions Tour.

Ikalawa ang Korean team din na naka-qualify na sa Berlin, ang F4Q. “I watched their games when they were qualifying. They seem very interesting,” banggit ni Asuna.

‘Pag dating naman sa Europe, na-special mention ang Acend, FunPlus Phoenix, at Gambit Esports.

“I’m really interested in playing against them,” kwento ni Asuna. Syempre, buhay pa ang rivalry sa pagitan ng North America at Europe na inaasahang mag-iinit lang lalo sa Berlin.

Ang huling koponan na kanyang pinangalanan ay ang Gamelanders Blue mula sa Brazil dahil naniniwala siyang magiging masayang kung sila ay magkakaharap.

Kahit hindi masyadong bilib si Asuna sa overall performance ng nasabing rehiyon noong VCT Stage 2 Master Reykjavik, interesado pa rin siya makita kung gaano kalaki ang kanilang in-improve.

Sentinels
Credit: Riot Games

Bago lumipad papuntang Germany ang 100 Thieves para makipagbakbakan sa mga potensyal na koponan, haharapin muna nila sa upper bracket final match ang Sentinels, isa pang team na kakatawan sa North America sa VCT Stage 3 Masters Berlin.

Nakatakdang ganapin ang laban nila sa ika-14 ng Agosto, sa ganap na ikalima ng umaga. Maaari itong subaybayan sa opisyal na Twitch at YouTube channels ng Valorant.