Naghahanda na ang VCT Stage 2 Masters sa kaniyang pinakamalaking event simula pa ng release ng Valorant. Ngunit bago magumpisa ang intense competition na ito, ito ang lahat na dapat mong alamin tungkol sa tournament.

VCT Stage 2 Masters full schedule at resulta 

Credit: Riot Games

(Ang mga match results na ito ay inupdate noong May 31) 

Ang tournament na ito ay gaganapin mula sa May 24 hanggang 31. 

Ito ang full schedule para sa VCT Stage 2 Masters, at ang oras ay converted para sa mga SEA viewers. Alalahanin na ang lahat ng oras ay nasa GMT+8. 

May 24 (Lunes) 

  • Fnatic 2 — 0 KRÜ Esports 

May 25 (Martes) 

  • Version1 2 — 0 Crazy Raccoon 
  • Sharks Esports 1 — 2 NUTURN Gaming 
  • Team Vikings 2 — 0 X10 Esports 

May 26 (Miyerkules) 

  • Team Liquid 1 — 2 Version1 
  • Sentinels 2 — 0 Fnatic 
  • X10 Esports 2 — 0 Crazy Raccoon 

May 27 (Huwebes) 

  • Sharks Esports 0 — 2 KRÜ Esports 
  • Sentinels 2 — 0 Team Vikings 
  • Version1 1 — 2 NUTURN Gaming 

May 28 (Biyernes) 

  • Fnatic 2 — 0 X10 Esports 
  • Team Liquid 2 — 0 KRÜ Esports 
  • Version1 0 — 2 Fnatic 

May 29 (Sabado) 

  • Team Vikings 0 — 2 Team Liquid 
  • Sentinels 2 — 0 NUTURN Gaming 

May 30 (Linggo) 

  • Fnatic 2 — 0 Team Liquid 
  • NUTURN Gaming 1 — 2 Fnatic 

May 31 (Linggo) 

  • Sentinels 3 — 0 Fnatic (Grand Final) 

Ano nga ba ang VCT Stage 2 Masters? 

Credit: Riot Games

Ang Valorant Champions Tour (VCT) Stage 2 Masters na ginanap sa Reykjavik, Iceleland ay ang pinakaunang international LAN tournament para sa Valorant.

Format ng VCT Stage 2 Masters 

Ang pinakamahusay na teams mula sa North America at Europe ay kinuha mula sa second round.

Ang mga natitirang teams ay pinili nang random, hangga’t sa ang mga teams na ito mula sa parehas na rehiyon ay nilagay sa magkabilang parte ng bracket. Ginawa ito upang maiwasan ang inter-regional matches.

Sumusunod ang VCT Stage 2 Masters sa isang double-elimination bracket, at lahat ng mga matches ay lalaruin sa isang best-of-three format, maliban sa Grand Final na magiging isang best-of-five na serye. 

Ang Bind, Haven, Split, Ascent, at Icebox ay ang mga eligible na mapa sa tournament. Ang bagong labas na mapa na Breeze, ay tinanggal sa pool.

VCT Stage 2 Masters patch 

Credit: Riot Games

Ang tournament ay lalaruin sa 2.09 patch ng Valorant, kung saan ang Toxin instant decays ni Viper ay inadjust, kasama na ang dalawang 60-second timeouts kada laro at team sa Tournament Mode Custom Games.

Lahat ng mga qualified na teams para sa VCT Stage 2 Masters 

Credit: Riot Games

Ito ang mga teams na lalahok sa tournament. 

North America 

EMEA (Europe, Middle East, and Africa) 

Korea 

  • NUTURN Gaming 

Brazil 

  • Team Vikings 
  • Sharks Esports 

LATAM (Latin America) 

  • KRÜ Esports 

Japan 

  • Crazy Raccoon 

Southeast Asia (Thailand) 

VCT Stage 2 Masters prize at circuit point pool 

Credit: Riot Games

Ang tournament na ito ay kukuha ng 10 teams mula sa pitong iba’t-ibang rehiyon, at sila ay maglalaban-laban para sa iasng US$600,000 prize pool at 2,350 VCT 2021 circuit points na makakatulong para makapag-qualify sila para sa Valorant Champions sa katapusan ng taon.

Saan pwedeng panoorin ang VCT Stage 2 Masters 

Credit: Riot Games

Ang tournament na ito ay pwedeng panoorin sa livestream ng Twitch ng Valorant ay Youtube channels.