Nakatakdang ganapin ang huling qualifier event ng North American region par sa VCT Stage 3 Masters Berlin, ang VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs.
Ang walo sa pinakamagagaling na teams sa rehiyon ay maglalaban-laban para sa tatlong invites patungong Berlin. Sa nalalapit na pagtatapos ng 2021 VCT season, ang lahat nang teams ay nagpupursiging makakuha ng VCT Circuit Points upang makapasok sa Valorant Champions Tournament sa pagttapos ng taon.
Ano ang VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs?
Sa tournament na ito pagpapasyahan kung sino ang tatlong teams ang kakatawan sa North America sa paparating na VCT Stage 3 Masters Berlin tournament sa September 9, 2021.
Schedule at resulta ng VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs
Ang Playoffs ay magsisimula sa August 12 at magtatapos sa Grand Final sa August 16. (Ang lahat nang oras ay nasa GMT+8)
(To be updated)
August 12 (Thursday)
- Upper Bracket — Sentinels vs Rise (3:00 a.m.)
- Upper Bracket — Team Envy vs TSM (3:00 a.m.)
- Upper Bracket — XSET vs Luminosity (5:30 a.m.)
- Upper Bracket — 100 Thieves vs FaZe Clan (5:30 a.m.)
Format ng VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs
Ang Playoffs ay magkakaroon ng double-elimination bracket kung saan ang lahat nang teams ay maglalaban sa best-of-three matches, maliban sa Grand Final na magkakaroon ng best-of-five.
VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs prize pool
Ang tournament ay may US$100,000 prize pool na hahatiin sa mga teams ayon sa kanilang pwesto.
- 1st: US$40,000
- 2nd: US$20,000
- 3rd: US$15,000
- 4th: US$10,000
- 5th: US$5,000
- 6th: US$5,000
- 7th: US$2,500
- 8th: US$2,500
Ang top three teams ay aabante sa VCT Stage 3 masters Berlin kung saan maghaharap ang mga pinakamahuhusay na teams sa ikalawang international tournament ng Valorant.
Mga teams na lalaban sa VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs
Narito ang walong teams na nag-qualify mula sa VCT NA Stage 3 Challengers 1 at 2 Main Events.
- Sentinels
- TSM
- XSET
- FaZe Clan
- 100 Thieves
- Luminosity
- Team Envy
- Rise
Saan mapapanood ang VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs?
Mapapanood ng mga Valorant fans ang mga matches live sa Twitch channel at YouTube page ng Valorant.