Kakaibang performance ang ipinamalas ni Oscar “Mixwell” Colocho ng G2 Esports matapos mag-switch ng agent roles sa competitive scene ng VALORANT.

Naglalaro dati bilang duelist at kilala bilang isa sa pinakamagaling na Jett players sa buong mundo, pinalawak ni Mixwell ang kanyang agent pool pagpasok sa open qualifier ng VALORANT Champions Tour 2021: Europe Stage 3 Challengers 1.

Ngayon, bumibida na rin ang Spanish superstar gamit ang Killjoy, Cypher, Skye, at Viper sa kanilang pro matches.

Viper ni Mixwell, naka-Ace kontra Fnatic sa VCT EU Stage 3 Challengers 1 Closed Qualifier

Mixwell ng G2 Esports Valorant
Credit: Carlos “ocelote” Rodriguez

Hinarap ng G2 ang Fnatic sa upper bracket ng VCT EU Stage 3 Challengers 1 Closed Qualifier.

Nangibabaw ang Viper ni Mixwell sa Bind matapos buhatin ang kanyang koponan sa pagtala ng 31/11/14 kill-death-assist scoreline.

Madalas na kilabot ang Fnatic pagdating sa Bind lalo na kung papaganahin nila ang kanilang ‘no-duelist strategy’. Sa pagkakataong ito nga lang, tila hindi handa ang koponan mula Europe sa mga smoke counterplay ng Viper ni Mixwell.

Habang pine-pressure ng iba pang miyembro ng G2 ang B-site, ginamit ni Mixwell ang ultimate ng kanyang agent para lituhin ang mga agent ng kalaban at mabuksan at A-site.

Kinumpleto niya ang Ace matapos ubusin ang mga kalaban na nagro-rotate mula sa kabilang site.

Tinapos ng G2 ang Fnatic sa Haven sa tulong ng mainit na A-site retake para maipanalo ang huling round sa ng overtime.

G2 Esports handa na uli mangibabaw sa European scene ng VALORANT

Tinapos ng bagong roster ng G2 Esports ang kanilang kampanya sa nasabing open qualifier  nang hindi natatalo upang maka-abante sa closed qualifier.

Doon, tinalo ng koponan ang Team Vitality at Fnatic upang makapasok sa main event ng Challengers 1.

VCT EU Stage 3 Week 1 Main Event teams.
Credit: VALORANT Champions Tour EU

Pasok din ang Team Liquid, Guild Esports, at Ascend, at nakatakda ang mga ito na maglaro sa VCT EU Stage 3 Challangers 1 Main Event sa ika-8 ng Hulyo. Sasamahan sila ng Fnatic, Team BDS, FunPlus Phoenix, at Rix.GG Thunder, mga koponan mula sa lower bracket ng closed qualfier.

Mapapanod ang turneo sa opisyal na Twitch channel ng VALORANT.