Kinilala ni Jaccob “yay” Whiteaker ang top Jett players sa North America. Masasabing ang mga pangalang kanyang nabanggit ay ilan sa mga pinakabigating manlalaro sa Valorant Champions Tour.

Ang apat na players na binanggit ni yay sa isang exclusive interview kasama ang ONE Esports noong VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs ay hindi naka-ranggo.

Ang top Jett players sa North America para kay yay ng Team Envy

Sentinels TenZ

Best NA Jett players: TenZ
Credit: Riot Games

Ang unang manlalaro sa listahan ni yay ay ang Sentinels player na si Tyson “TenZ” Ngo, na kinikilala bilang isa sa pinakamagaling na professional Valorant players ngayon.

Simula noong sumapi sa Sentinels para sa VCT NA Stage 1 Masters, pinangibabawan na ni TenZ ang pro scene bilang top duelist. Bilang Jett, si TenZ ay may average ACS (ability combat score) na 254.3 at 19/15/4.4 KDA noong VCT NA Stage 3.

Team Envy yay

Best NA Jett players: yay
Credit: HLTV

Naniniwala si yay na isa rin siya sa pinakamagaling na Jett players sa buong rehiyon.

Kahit noong panahon niya sa Andbox, nakamamangha na ang kanyang numbers matapos niya magtala ng average ACS 305.3 at 22.5/14.5/3 KDA noong VCT NA Stage 3.

TSM Wardell at FaZe babybay

Best NA Jett players: Wardell and babybay
Credit: TSM and FaZe Clan

Para sa huling dalawang player sa listahan ni yay, binanggit ni yay na dapat abangan ng mga fans sina Matthew “Wardell” Yu ng TSM at Andrej “babybay” Francisty ng FaZe Clan.

“I’m split between babybay and Wardell, because I think Wardell plays Jett on the Operator really, really well. I also think babybay is really crazy as a Jett player — he just sends it,” paliwanag ni yay.

https://www.instagram.com/p/CSOln-RrDDn/?utm_source=ig_web_copy_link

Malaki ang ginampanang tungkulin ni Wardell sa pag-angat ng TSM sa North American Valorant scene matapos niyang tulungan ang nasabing koponan sa VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs. Nagtala siya ng 254.7 ACS at 19/12.4/2.6 KDA.

‘Di rin maipagkakala ang kakaibang smeaging playstyle naman ni Babybay noong simula pa lamang ng VCT. Noong Stage 3, nagtala ito ng average ACS na 252.2 at 17.4/14/7/4.4 na KDA.