Naniniwala ang Valorant superstar na si Tyson “TenZ” Ngo na si Mehmet Yağız “cNed” İpek ang pinakamagaling na player sa European region.

Bilang isa sa mga pinakamahusay na Valorant players sa mundo ngayon, marunong si TenZ kumilala ng kapwa mahusay na player. Sa katunayan, pareho ang role nila ni cNed para sa kanilang mga teams – pareho silang Jett main na mahusay sa Operator.

Ipinaliwanag ni TenZ kung bakit sic Ned ang pinakamahusay na Valorant player at Jett main sa Europe

Valorant TenZ VCTStage2MastersReykjavik
Credit: Riot Games

Nabilib ang VCT Stage 2 Masters Reykjavik champion at tournament MVP sa kung gaano katalino ng paggamit ni cNed ng Jett. “I actually think he’s the best EU player. I’ve watched how he plays. He actually uses Jett wisely,” sabi ni TenZ.

Ibinahagi ng Sentinels superstar duelist kung paanong naging mas magaling sic Ned kumpara sa mga North American Jett players na nakakalaban nya sa VCT NA tournaments at mga ranked matches.

“Almost every NA Jett player wastes their abilities. They don’t know how to properly use Cloud Burst,” sabi ni TenZ. “They always instantly dash away. He’s really good at only dashing away when he needs to. Especially as an Op-er, that’s so important.”

Mahusay din sa paggamit ng Blade Storm ultimate ni Jett ang 19-anyos na Turkish star, kung kaya’t isa sya sa mga duelist na dapat katakutan.

Valorant cNed JettValorant
Credit: Riot Games and Red Bull

Ipinamalas nya ang kanyang galing nang manalo ang Acend sa VCT EU Stage 1 Masters, kung saan itinuring syang pinakamagaling na Jett player sa buong mundo.

Si cNed ng Acend ay maglalaro sa paparating na VCT EMEA Stage 3 Challengers Playoffs. Ang top four teams sa tournament ay aabante sa VCT Stage 3 Masters Berlin.

Si Sentinel TenZ naman ay nakatakda ring maglaro sa VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs kung saan ang top three teams ang makakapasok sa Berlin.

Kung papalaring makarating ang Sentinels at Acend sa Berlin, masasaksihan natin ang paghaharap ng dalawang pinakamahusay na Jett players sa buong mundo.