Mas matikas na ngayon ang Valorant team ng Korean esports organization na Vision Strikers matapos idagdag sa kanilang roster si Kim “Lakia” Jong-min na isa sa pinakamalakas na pro sa kanilang rehiyon.

Kasama ang Valorant Roster ng Vision Strikers sa VCT Korea Stage 3 Challengers Open Qualifier na nagsimula noong July 3.


Pito na ang manlalaro ng Vision Strikers

Credit: Riot Games

Ang pitong players ng Vision Strikers Valorant ay sina:

  • Kim “stax” Gu-taek
  • Goo “Rb” Sang-Min
  • Lee “k1Ng” Seung-won
  • Kim “Zest” Gi-seok
  • Yu “BuZz” Byung-chul
  • Kim “MaKo” Myeong-kwan
  • Kim “Lakia” Jong-min

Matapos magretiro ng kanilang team captain na si, Kim “glow” Min-soo, pumirma sa Vision Strikers ang dating Vision Strikers Rio Company’s BuZz at ex-TUBEPLE Gaming member na si MaKo noong nakarang Mayo.

Kasunod nito, kinuha din ng Vision Strikers ang dating Sova main ng NUTURN Gaming na si Lakia na pampito sa kanilang kupunan.

Inaasahan si Lakia na dalhin ang kaniyang kamandag sa nagaganap na VCT Korea Stage 3. Tiwala ang kupunan sa kaniya dahil sa malakas niyang pagpapakita sa dati niyang kupunan na NUTURN Gaming na pumangatlo sa VCT Stage 2 Masters Reykjavik.


10X, sumanib sa NUTURN Gaming para sa VCT Korea Stage 3

Credit: Suggest

Ang NUTURN ay binubuo nina:

  • Jung “peri” Bum-gi
  • Park “allow” Sang-wook
  • Choi “10X” Jin-woo
  • Seo “Suggest” Jae-young
  • Kang “solo” Keun-chul

Napagpasiyahan ng NUTURN Gaming na palitan ang kanilang Sova main na si Lakia ng dating Rio Company player na si 10X.

Inasahan ng madaming fans ng NUTURN Gaming ang pagbabago sa kanilang roster matapos magpahiwatig ng retirement ang kanilang 33-taong gulang na kapitan na si Solo pagkatapos ng Masters Reykjavik.

Taliwas dito, patuloy si Solo sa kaniyang karera na ngayon ay sasabak sa qualifiers para sa VCT Stage 3 Masters Berlin.


Sasabak ang Vision Strikres at NUTURN Gaming sa VCT Stage 3 Berlin qualifiers

Credit: Riot Games

Ang lineup ng Vision Strikers ay nakatutok sa layuning ibalik ang kamandag ng kupunan sa VCT eksena sa Korea. Batak ang Korean team na nag-uwi ng panalo sa lahat ng sinalihang torneyo maliban sa Korea Stage 2 Challengers kung saan pinataob sila ng NUTURN Gaming.

Ang upset panalo na ito ng NUTURN Gaming ang nagbigay sa kanila ng tiyansa na sumabak sa VCT Stage 2 Masters Reykjavik kung saan pumangatlo sila sa likod ng Fnatic at kampyon na Sentinels.

Layunin ng parehong kupunan na dominahin ang the VCT Korea Stage 3 Challengers Open Qualifier na nagsimula noong July 3.

Babalagbag ang dalawang kupunan na ito kasama ang mga top Korean teams tulad ng Damwon Gaming, TNL Esports, at F4Q na pare-parehong Minamata ang Main event na gaganapin naman sa July 8.

Mapapanood ang aksyon live sa official Twitch channel ng Valorant Korea.