Matapos ang mainit na bakbakan sa katatapos lamang na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC 2021) group stage, walong team ang makikipagsabayan sa isa’t-isa sa playoffs noong June 10.

Pero bago iyon, tingnan muna natin ang lima sa most picked heroes ngayong MSC 2021 para masilip natin kung ano ang mga strats na trending sa torneyong ito.


5. Benedetta (14 games)

Credit: Moonton

Simula ng ilabas ang Benedetta noong nakaraaang taon, mapapansin na palagiang kinukuha ang hero na ito sa proffesinal games. Walang katulad ang kanyang skills at mobility na nagiging susi sa kanyang malaking impact sa mga team fights.

Agresibo ang maniobra sa hero na ito ng EVOS Legends jungler na si Ferxiic kung saan binuhat niya ang Indonesian team kontra Todak ng Malaysia sa unang araw ng Group stages.


4. Chou (14 games)

Credit: Moonton

Kitang-kita din na sa kahit anong meta, malaki ang naibibigay na tulong ng Chou sa laban. Kinikilala ang hero na ito ngayon bilang isa sa mga pinaka-flexible na hero sa MLBB dahil maaari siyang gawing offlane o tank. 

Dahil dito, madaming teams sa group stages ang kumuha sa flex pick. Gayunpaman, hirap ang mga teams pagtagumpayan ang mga laban kasama si Chou na mayroon lamang na 36% win rate.


3. Granger (15 games)

Credit: Moonton

Susunod sa ating listahan ang Granger. Ang marksman na ito ay signature hero ng jungler ng Blacklist International na si Wise.

Isang dahilan kung bakit maraming kupunan ang nagseselyo ng Granger pick ay dahil sa pagiging perpekto niya sa ‘Nice one, Baby’ meta. Malaki ang damage output ng hero pero nangangailangan ng babysitting sa early game.

Mahirap siya sabayan sa damage kapag nakuha na niya ng kaniyang mga core items kaya naman napakasolido ng pick na ito laban sa mga agresibong lineup.


2. Harith (15 games)

Credit: Moonton

Harith is considered to be one of the hardest matchups for squishy heroes. His ultimate, Zaman Force, turns him into a killing machine who can snowball out of control. This alone makes him one of the most picked heroes at MSC 2021.

Matatandaang bida ang Harith sa jungle role nung uso pa ang funnel strategy. Sa ngayon, ginagamit na ang hero sa gold lane.

Alam ng lahat na hirap ang mga malalambot na heroes kontra sa Harith. Ang ultimate skill niya na Zaman Force ang nagbibigay sa hero ng kapasidad pumitas ng pumitas papunta sa di mapipigilang snowball. Kaya naman di kataka-takang isa siya sa sa mga pinaka-secure picks sa MSC 2021.


1. Lunox (15 games)

Credit: Moonton

Hindi nagpapahuli ang Lunox na asensado sa MPL-PH eksena ngunit hindi sa MPL -ID. Bilang isa sa mga pinakamahirap na kontrolin na heroes, hindi masyadong popular ito sa normal na gameplay.

Subalit, kung mapapasakamay siya ng marunong na player, hindi matatawaran ang kanyang damage output kahit pa sa early game.

Pinasikat sa lahat ng Lunox gameplays ang ginawa ni RubyDD ng Burmese Ghouls. Sa nakaraang M2 World Championship, pinakitaan tayo ni RubyDD ng pinakamalupit na combo na siyang nagpasikat ng hero sa mga pro players.

Sa ngayon, Nakita na din ng mga teams sa MSC 2021 na top tier ang hero na ito kaya naman mataas ang kanyang pick rate.

Surii natin ang mga most picked heroes sa MSC 2021

Kung titignang Mabuti ang mga madalas na kuhaning heroes sa MSC 2021, mapapansing mayroon padding latak ng  ‘Full Strike’ meta kahit pa mas epektibo ngayon ang ‘Nice one, Baby’ sa torneo.

Maaari din nating ipagpalagay na priority ng mga kupunan ngayon ang mga flexible na heroes na puwedeng kumuha ng multiple roles tulad ng Chou at Benedetta. Ipinapakita lamang ng picks na ito na mataas ang prayoridad ng side lanes para madomina ang laro.