Nasa final phase na ang Valorant Champions Tour 2021 Stage 3 Challengers dahil nagsisimula na ang regional playoffs. 16 na koponan ang tatampok sa VCT Stage 3 Masters Berlin, ang ikalawang international Valorant tournament ng Riot Games.

Pinatunayan ng mga koponang ito na isa sila sa pinakamagagaling na koponan sa VCT Stage 3 matapos pangibabawan ang open at closed qualifiers, Challengers tournaments, pati na rin ang playoffs upang makalipad sa Berlin, Germany.

Nauna nang makapasok ang Vision Strikers at F4Q mula sa Korean region matapos nilang maka-abot sa grand final ng VCT Korea Stage 3 Challengers Playoffs.

VCT Stage 3 Masters Berlin

Ang 16 teams na naka-qualify sa VCT Stage 3 Masters Berlin

(To be updated)

Nakatakdang magsimula ang VCT Stage 3 Masters Berlin sa ikasiyam ng Setyembre ngayong taon. Ang mananalo sa nasabing turneo ay makatatanggap ng direct invite sa kauna-unahang Valorant Champions 2021 na gaganapin mula Nobyembre 29, 2021 hanggang Disyembre 12, 2021.

VCT Circuit Point
Credit: Riot Games

Lahat ng mga kalahok sa VCT Stage 3 Masters Berlin ay makakatanggap din ng VCT Circuit points, ang magiging basihan para maging qualified sa Valorant Champions 2021.