VCT Japan Stage 3 Challengers Main Event ang magiging pagsubok para sa mga pinakamahuhusay na teams sa rehiyon kung saan paglalaban-labanan nila ang pagpasok sa susunod na Valorant international tournament sa Berlin.
Tampok sa paligsahan ang ZETA DIVISION (dating ABSOLUTE Jupiter), VCT Stage 2 Masters representative na Crazy Raccoon, at ang Northeption kung saan kabilang ang Korean Jett na si Seoldam.
Ano ang VCT Japan Stage 3 Challengers Playoffs?
Sa tournament na ito pagpapasyahan kung sino ang dalawang teams ang aabante sa paparating na VCT Stage 3 Masters Berlin tournament sa September.
Schedule at resulta ng VCT Japan Stage 3 Challengers Playoffs
Ang Playoffs ay magsisimula sa August 12 at magtatapos sa Grand Final sa August 15. (Ang lahat nang oras ay nasa GMT+8)
(To be updated)
August 12 (Thursday)
- Upper Bracket — ZETA DIVISION vs Insomnia (11:00 a.m.)
- Upper Bracket — REJECT vs Northeption (2:00 p.m.)
- Upper Bracket — BlackBird Ignis vs FENNEL (5:00 p.m.)
- Upper Bracket — Feeling vs Crazy Raccoon (10:00 p.m.)
Format ng VCT Japan Stage 3 Challengers Playoffs
Ang Playoffs ay magkakaroon ng double-elimination format kung saan ang lahat nang matches na paglalaban ng mga teams ay best-of-three, maliban sa Grand Final na magkakaroon ng best-of-five series.
Mga teams na lalaban sa VCT Japan Stage 3 Challengers Playoffs
Ang walong teams na maglalaro sa VCT Japan Stage 3 Challengers main Events ay ang:
- ZETA DIVISION
- Crazy Raccoon
- Northeption
- BlackBird Ignis
- FENNEL
- REJECT
- Feeling
- Insomnia
VCT Japan Stage 3 Challengers Playoffs prize pool
Ang tournament ay may US$18,200 prize pool na hahatiin sa mga teams ayon sa kanilang pwesto.
- 1st: US$9,100
- 2nd: US$4,500
- 3rd: US$1,800
- 4th: US$900
- 5th: US$450
- 6th: US$450
- 7th: US$450
- 8th: US$450
Saan mapapanood ang VCT Japan Stage 3 Challengers Playoffs?
Mapapanood ng mga Valorant fans ang mga matches live sa Twitch channel at YouTube page ng Valorant.