Si Popol and Kupa ay isa sa mga pinaka-unique na heroes sa Mobile Legends: Bang Bang. Ang kaniyang companion mechanic ay sobrang kakaiba, isa rin sya sa mga bigating marksman sa gold lane dati.

Sa kasamaang palad, bihira na syang lumabas sa pro play dahil sa dami ng nerfs na kanyang natanggap.

Halimbawa na lang sa M2 World Championship, apat na beses na-pick si Popol and Kupa, pero dalawang matches lang ang ipinanalo nito.

Subalit sa MPL Philippines Season 7, biglang lumitaw sa meta si Popol and Kupa, at naging strong pick ng maraming teams tulad ng Bren Esports at Blacklist International.

Ayon sa huling MPL PH data, 44 na beses na-pick si Popol and Kupa, at nanalo ng 27 na beses. Tumataginting na 61% win rate para sa Icefield Companions.

Na-ban na rin ng 64 na beses si Popol and Kupa, nagpapakita lang na kinatatakutan ang dynamic duo sa maraming team compositions. Ano nga ba ang nakakatakot kay Popol and Kupa para sa current meta?


Magandang substitute para kay Selena si Popol and Kupa

MLBB PopolandKupa Selena
Credit: Moonton

Si Selena ang isa sa most banned heroes sa MPL PH – 108 bans sa kabuuan. Sya ay isa sa mga best support heroes salamat sa kanyang Abyssal Trap, na nagbibigay ng vision sa buong mapa.

Sa meta kung saan liyamado ang agresibo, lamang ang may control sa mapa. Dati ay si Selena lang ang epektibong nakakagawa nito.

Nang biglang nagbagsak ng malaking buff para kay Popol and Kupa sa patch 1.5.62. Tulad ng Abyssal Trap, pinapakita ring ng Surprise ni Popol ang pwesto ng kalaban na tatapak sa trap.

Kaya kung gusto ng isang team na magkaroon ng map control heavy lineup at banned si Selena, dapat lang na i-lock in si Popol and Kupa.


Madali para kay Popol and Kupa ang mag-initiate ng team fights

Ang role ng Icefield Companions ay marksman, pero ginagamit sya ng mga teams bilang tank o support.

At bakit naman hindi? Si Popol and Kupa ang may isa sa pinakamagandang crowd control ability na pwedeng i-pin down ang isang hero gamit ang Bite ‘Em, Kupa! o magpatumba ng maraming kalaban gamit ang Kupa, Help!

Kaya ni Popol na mag-initiate ng team fight sa pamamagitan ng Bite ‘Em, Kupa! para utusang sumugod si Kupa. Mas safe ito kumpara sa ibang heroes na kailangang pumasok sa frontline ng kalaban para mag-set ng play.


Puwedeng maging damage absorber ng team si Kupa

Para kang may extrang teammate kapag may gumagamit ng Popol and Kupa sa team nyo. Kahit hindi pwedeng ma-control ng direkta si Kupa, pwedeng gumamit ng abilities si Popol para i-pwesto si Kupa sa frontline at maging damage absorber.

Sobrang epektibo nito kung may katapat kang mga bhigh-tier heroes tulad nila Granger at Chang’e, dahil kayang harangin ni Kupa ang karamihan sa kanilang projectile abilities.

Nakakasabik panoorin kung ano pang mga pwedeng gawin kay Popol and Kupa. Sa ngayon, asahan nating makikita pa natin sya sa mga matches ng paparating na MPL PH playoffs na magsisimula sa Miyerkules, May 26.