One step closer na ang Bren Esports sa pagpanalo ng dalawang championship na sunod-sunod matapos masungkit ang upper bracket advantage sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 7 (MPL PH).

Substandard ang performance ng Bren Esports sa unang kalahati ng season, at may ibang tao na nagsasabing hindi na sila ganoon kagaling.

Ngunit matapos ang isang serye ng panalo sa pangalawang kalahati ng tournament, sila ay nasa tuktok muli, saktong-sakto lang para sa MPL PH playoffs.

Nakuha ng Bren Esports ang isang napakaimportanteng panalo laban sa Omega Esports

Sa kabila ng isang rough start sa game one, ipinakita ng Bren Esports ang kanilang M2 World Championship form at nanalo sila sa sumunod na dalawang laro nang walang kahirap-hirap.

Sa pangalawang game, naging halimaw ang Claude ni Karlo “KarlTzy” Nepomuceno at nakakuha ng 3/0/7 KDA. Nakatanggap siya ng MVP award para sa laro dahil binuhat niya ang Bren Esports sa isang 11-5 victory kasama ang tulong ng Yve ni Carlo “Pheww” Arcangel.

Sa decider, ang mga boys in yellow ay gumamit ng funnel strategy gamit ang dalawang malakas na sidelaners nila na sina Barats at Uranus. Kumuha rin sila ng suporta mula kay Angela at Popol at Kupa para tulungan ang Claude ni KarlTzy.

Intense ang labanan dahil nahirapan ang Bren Esports makakuha ng kills laban sa tanky lineup ng Grock at Gloo ng Omega Esports.

Stalemate ang laro hanggang sa umabot sa 20-minute mark noong nakuha ng Bren Esports ang Lord buff sa gitna ng magulong laban. 

Agresibo na nilang pinush ang lahat ng lanes, at nakakuh ng reverse sweep sa 22-minute mark.

Ang pinakainaabangang match sa MPL PH playoffs 

Kahit na tied ang Bren Esports sa Work Auster Force sa Group A ng may 23 points, makukuha ng Bren ang upper bracket slot dahil natalo nila nang dalawang beses ang Work Auster Force sa season na ito.

Haharapin ng M2 world champions ang Blacklist International ng Group B, na natalo lamang sa isang laro ngayong season sa pinakaunang round.

Sinabi ng coach ng Bren Esports na si Duckey sa isang post-match press conference na hindi nila I-uunderestimate ang Blacklist International kahit na ang Bren Esports lang ang nakatalo sa kanila sa regular season.

Magsisimula ang MPL PH Season 7 playoffs sa May 26.