Naputol na ang seven-game win streak ng Blacklist International sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League PH Season 7. Nakuha ng M2 World Champions Bren Esports ang reverse sweep win sa score na 2-1 matapos ang madugong series.

Bagamat bawat isang myembro ng Bren Esports ay tumulong para masiguro nila ang panalo, angat na angat ang Chang’e ni Ribo ayon sa mga myembro ng Blacklist International.

Credit: Moonton

Sa kanilang press conference, sinabi ng mga myembro ng Blacklist na sila Danerie “Wise” Del Rosario, Johnmar “OhMyV33nus, Villaluna, Dexter “DEX STAR” Alaba, and coach Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza na si Ribo talaga ang nagpahirap sa kanila sa buong series.

“For future matchups of Bren Esports, make sure to keep a close eye on their Chang’e,” sabi ni OhMyV33NUS.

Di masyadong pansin pero malaki ang ambag ni Ribo sa ikalawa at ikatlong games gamit ang Chang’e, 4/0/4 ang standing nya sa ikalawang game habang 3/0/7 naman sa ikatlo. Isa rin sya sa rason kung bakit nakuha nila ang comeback win sa game 2 gamit ang mga defensive Meteor Shower plays.

Sang-ayon si Wise at OhMyV33NUS na nararapat lang ang priority ban sa first phase ng draft ang Chang’e kapag kaharap ang Bren Esports.