Si Sky Wee ay isang full-time streamer at isang professional Mobile Legends: Bang Bang player. Meron syang mahigit one million followers sa Facebook, at malaking audience sa Southeast Asia.

Kilala sa titulong “King of Fighters”, mahusay syang gumamit ng iba’t ibang fighters at a high level, kahit na wala sila sa meta. Kamakailan lang, nag-expand sya ng hero pool at isinama nya ang gun-slinging marksman na si Granger, na syang may pinakamalupit na Legendary skin sa game.

Sa husay nya gumamit ng Granger, kaya nyang talunin ang mga top MPL Indonesia players sa rank games gamit ang hero na ‘to.

Narito ang 5 tips mula sa kanya kung paano humusay sa paggamit ng Granger:


1. Gumamit ng Assassin Emblem at Retribution

Laging Assassin Emblem ang gamit ko para sa hero na ‘to. Sa first row, Agility para sa movement speed, tapos Invasion para may Physical Penetration, at Killing Spree para sa bonus health at movement speed. Sa tingin ko, pagdating sa Emblem, hindi mo na kelangan magpalit sa bawat laro, bagay na tong set up na ‘to sa lahat ng sitwasyon.

Pagkatapos, kelangan mong pumili ng tamang Battle Spell. Dahil sa jungle sya ginagamit, Retribution ang pinakabagay na spell.

Pero may mga sitwasyon na kelangan mong mag-adapt. Purify ang kunin mo kung malakas ang crowd control ng lineup ng kalaban, lalo na kung may mga heroes na kayang mang-stun.

Kung may burst damage heroes naman sa kalaban, Flicker dapat ang kunin mo.

2. Bumili ng Raptor Machete, Brute Force Breastplate, at Endless Battle bilang core items

Kapag gamit bilang jungler si Granger, rush build ng Raptor Machete ang kadalasang inuuna para makatulong sa pagfa-farm.

Hindi mataas ang HP ni Granger, kaya nirerekomenda kong bumili kayo ng Tough Boots para sa magic defense at reduced crowd control, CC ang pinakamalaking kalaban nya.

Ang Brute Force Breastplate, na kadalasang ginagamit ng mga junglers, ay mainam dahil sa dagdag 750 HP at 50 flat Physical Defense. Malaking tulong para sa isang hero na may bigating basic attack tulad ni Granger ang dagdag na movement speed, armor, at magic resist stacks.

GRANGER LEGEND SKIN

GRANGER LEGEND SKIN ( 70397 / 75000 )#mlbbgranger Granger New SkinTop Star Sender (Monthly):?-? Arm?-? Irwan?-? Vytas 4 -? Hoon 5 – ? Hung Nguyen Join SKYWEE ARMY group:https://www.facebook.com/becomesupporter/576309079387243/

Posted by Sky Wee on Saturday, April 24, 2021

Bumili ng Hunter Strike hindi lang para sa attack damage, meron din itong cooldown reduction at armor penetration. Pag nag-deal ka ng damage ng 5 sunod-sunod na beses sa creep o kalabang hero, magkakaron ka ng dagdag na 30% movement speed para sa 3 segundo, na bagay na bagay sa Brute Force Breastplate.

Ang Endless Battle ay para sa lifesteal at true damage. Kumpletuhin ang item build ng Blade of Despair para ma-maximize ang burst damage.

Bagamat ang build na ‘to – Raptor Machete, Tough Boots, Brute Force Breastplate, Hunter Strike, Endless Battle, Blade of Despair – ay bagay sa ano mang sitwasyon, kailangan mo pa ring mag-adapt kung may malakas na marksman sa kalabang team.

Depende sa game, pwede mong palitan ng Wind of Nature ang iyong boots o Hunter Strike, para maging immune ka sa lahat ng physical damage para sa maikling duration na 2 seconds.

3. I-max ang first skill ni Granger, Rhapsody, at masterin ang kanyang basic combo

Laging unahin na i-max out ang first skill, Rhapsody, para madagdagan ang iyong burst damage sa mga jungle creeps at enemy heroes.

Magsanay gamitin ang combo na ‘to: Rhapsody (1), Death Sonata (3), Death Sonata (3), Death Sonata (3), into Rondo (2).

Para sa advance tactic, gamitin ang kanyang ultimate, Death Sonata, malapit sa isang wall para mas mabilis lumabas ang Super Bullets.

4. Mag-focus sa objectives sa simula pa lang, mag-focus din sa mga heroes na ‘to sa team fights

Sa early game, mag-focus sa mga objectives gaya ng Turtle, buffs, at pagfa-farm.

Tulad ng ibang jungler, dapat ay nakakapaglibot at nakakapag-gank ka na sa iba’t ibang lanes pagdating ng mid game. Sa late game naman, mag-focus sa kalabang mage at damage dealers.

Huwag kalimutang pumosisyon ng maayos sa team fights, para hindi ka mapitas.

5. Mag-combo kasama ang mga support heroes, pero mag-ingat sa mga tanks at fighters na ‘to

Pag gumagamit ng Granger, okay na kapareha ang mga support na ‘to: Diggie, na kayang mag-alis ng crowd control effects, Angela, na may ultimate na kaya kang protektahan, at Rafaela na kayang magbigay ng dagdag movement speed at healing.

MLBB Diggie Rafaela Angela
Credit: Moonton

Pwede rin si Jawhead, dahil kaya niyang mag-stun ng kalaban, at puwede niyang ihagis ang kalaban para protektahan si Granger.

Pero mag-ingat sa mga banta na dala ng mga heroes na ‘to. Sina Chou at Akai ay madaling i-stun si Granger. Sa jungle, pwede syang i-invade nila Yu Zhong at Uranus, kaya’t mag-ingat.

Sa pangkalahatan, mag-focus sa positioning kung gagamit ng Granger. Sanayin ang aim sa paggamit ng kanyang ultimate, Death Sonata. Kelangan maging agresibo pero matalino sa paggamit ng Granger.


Narito ang kanyang Facebook page at YouTube channel kung gusto mo pang matuto mula kay Sky Wee.