Ang VCT Stage 2 Masters ay naglalayong maging pinakamalaking event mula nang ma-release ang Valorant. Bago magsilmula ang mainit na labanan, narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa tournament.
Buong schedule at results ng VCT Stage 2 Masters
(Ang mga match results na ito ay in-update noong May 31)
Ang tournament ay magaganap mula May 24 hanggang 30.
Narito ang buong schedule ng VCT Stage 2 Masters, kung saan ang lahat ng oras ay naka-convert para sa mga SEA viewers. Ang lahat ng oras ay GMT+8.
May 24 (Monday)
- Fnatic 2 — 0 KRÜ Esports
May 25 (Tuesday)
- Version1 2 — 0 Crazy Raccoon
- Sharks Esports 1 — 2 NUTURN Gaming
- Team Vikings 2 — 0 X10 Esports
May 26 (Wednesday)
- Team Liquid 1 — 2 Version1
- Sentinels 2 — 0 Fnatic
- X10 Esports 2 — 0 Crazy Raccoon
May 27 (Thursday)
- Sharks Esports 0 — 2 KRÜ Esports
- Sentinels 2 — 0 Team Vikings
- Version1 1 — 2 NUTURN Gaming
May 28 (Friday)
- Fnatic 2 — 0 X10 Esports
- Team Liquid 2 — 0 KRÜ Esports
- Version1 0 — 2 Fnatic
May 29 (Saturday)
- Team Vikings 0 — 2 Team Liquid
- Sentinels 2 — 0 NUTURN Gaming
May 30 (Sunday)
- Fnatic 2 — 0 Team Liquid
- NUTURN Gaming 1 — 2 Fnatic
May 31 (Sunday)
- Sentinels 3 — 0 Fnatic (Grand Final)
Ano ang VCT Stage 2 Masters
Ang Valorant Champions Tour (VCT) Stage 2 Masters na gaganapin sa Reykjavik, Iceland ay ang unang international LAN tournament ng Valorant.
Format ng VCT Stage 2 Masters
Ang mga top-seeded teams mula North America at Europe ay seeded na sa second round.
Randomly seeded ang mga natitirang teams, habang ang mga teams na mula sa parehong region ay nasa magkabilang parte ng bracket. Ginawa ito para maiwasan ang mga inter-regional matches.
Ang VCT Stage 2 Masters ay gagamit ng double-elimination bracket, kung saan lahat ng matches ay may best-of-three format, maliban sa Grand Final na may best-of-five series.
Ang Bind, Haven, Split, Ascent, at Icebox ay mga eligible maps sa tournament. Ang Breeze, na kaka-release pa lamang ay tinanggal sa pool.
VCT Stage 2 Masters patch
Gagamitin sa tournament ang Valorant 2.09 patch, kung saan na-adjust ang instant decay ng Toxin ni Viper, kasama ng dalawang 60-second timeouts, per game, per team, sa Tournament Mode Custom Games.
Ang lahat ng qualified teams para sa VCT Stage 2 Masters
Narito ang mga teams na kasali sa tournament:
North America
- Sentinels
- Version1
EMEA (Europe, Middle East, and Africa)
- Team Liquid
- Fnatic
Korea
- NUTURN Gaming
Brazil
- Team Vikings
- Sharks Esports
LATAM (Latin America)
- KRÜ Esports
Japan
- Crazy Raccoon
Southeast Asia (Thailand)
VCT Stage 2 Masters prize at circuit point pool
Tampok sa tournament ang 10 teams mula sa pitong iba’t ibang rehiyon na maglalaban-laban para sa US$600,000 prize pool at 2,350 VCT 2021 circuit points, na makakatulong sa kanilang mag-qualify para sa Valorant Champions sa katapusan ng taon.
Saan mapapanood ang VCT Stage 2 Masters
Ang tournament ay mapapanood ng live sa Twitch at YouTube channels ng Valorant.