Isa nanamang miyembro ng RRQ Hoshi ang ipinakilala sa mga miron.

Pinangalanan ng two-time Mobile Legends: Bang Bang Professional League ID champions ang bago nilang support player na sasabak para sa kanila sa darating na MPL ID Season 8.

Babandera na ang dating Genflix Aerowolf player na si Deden “Clay” Mohamed para sa RRQ Hoshi, at magiging ikalawang pro na lalahok sa lineup matapos inunsyo ng team ang plano nilang roster overhaul.

Opisyal na anunsyo tungkol kay RRQ Clay

Credit: Team RRQ Instagram

Sa isang Instagram post ng RRQ Hoshi, malugod na tinaggap ng kupunan ang batikang pro player. Ani ng RRQ, “This Support from Bogor used to play in Genflix Aerowolf and now will lend his strength to RRQ Hoshi in the coming MPL Season 8.”

Kilala si Clay, na ngayon ay bininyagan na bilang RRQ Clay, sa mga pasabog niyang offensive mages tulad nina Luo YiSelena, at Lunox. 

Malaki rin ang ambag ng matikas na support player sa playoff run ng Genflix Aerowolf sa MPL ID Season 7 kung saan matipuno silang humarap sa mga bigating top teams ng rehiyon. Sa tulong ni Clay, nakakuha ng Genflix ng respetableng 2nd runner up finish sa kongklusyon ng torneyo.


Magsisimula ng panibago ang RRQ Hoshi

Credit: MPL ID

Matapos ang maagang pag-uwio sa MPL ID Season 7 playoffs, binaggit ng RRQ CEO na si Andrian Pauline na pinakawalan na nila lahat ng pro sa kanilang official lineup kasama ang mga beterano. Aniya, magsisimula raw ulit sila sa pamamagitan ng open trials.

Opisyal na lineup ng RRQ Hoshi para sa MPL ID S8

Sa pinakahuling tala, sina RRQ Clay at RRQ Albertt pa lamang ang kumpiramadong miyembro ng roster ng RRQ para sa kampanya sa Season 8.

  • Albert Neilsen “Albertt” Iskandar
  • Deden “Clay” Mohamed