Si Paquito ay isa sa mga pinakabagong hero na inilabas ng Mobile Legends: Bang Bang. Kahit pa bagong salta ang hero na ito ay isa na ito agad sa mga pinakamalakas na sidelaners sa nakaraang meta.

Sandamukal na damage output ang kayang ilabas ng hero na ito kaya naman hirap ang sino mang tatapat sa kaniya sa laning phase. Ito rin ang dahilan kung bakit patok ang tinaguaring Heavenly fist sa mga ranked games at kahit sa pro play.


Gaano kalakas ang Paquito?

Manny Pacquiao skin ni Paquito.
Credit: Moonton

Sa katatapos lang na MSC 2021, nakita natin kung gaano kalaki ang dalang epekto ng Paquito sa  EXP lane kung saan siya may pinakamalakas na presensiya. Sa katunayan, gamit na gamit ang hero na ito ng top 2 teams na torneyo na Execration at Blacklist International para iselyo ang kani-kanilang mga side lanes.

May mga pagkakataon din naman na ginagawang flex pick ito. Dahil sa knockup ability ng kaniyang special skill na Knockout strike at shield na naibibigay ng Heavy Left Punch,  may mga kupunan tulad ng top team na EVOS Legends na ginagamit siya bilang roaming tank. 

Ngayong malinaw na kung gaano kalakas ang Paquito, magandang pag-usapan kung ano bang gagawin mo kung na-pick ito ng kalaban. Ano bang mga heroes ang maaaring ipangbangga sa champion na ito?


Alice

Credit: Moonton

Una sa listahan natin ng mga heroes na kayang makipagsabayan sa Paquito sa 1v1 ay ang Alice

Susi sa Paquito play ang patuloy na pag-poke sa katapat na hero sa lane. Halos lahat ng heroes na makakatapat ng Paquito ay hirap i-sustain ang kaniyang early game damage lalo pa kung marunong mag-creep control ang nagmamaniobra. Kaya naman importante na may in-and-out abilities at sustain ang makakaharap sa kaniya tulad ng Alice.

Dahil sa Flowing Blood at Blood Awe, mataas ang mobility ng hero na ito gayundin ang kaniyang wave clear. Pagdako ng level four, posible ding makuha na ng Alice ang kalamangan kung makakaipon ito ng Blood Ancestry stacks at ma-tiyempuhan ng maayos ang Blood Ode.

Benedetta

Simple lang naman. Kung gusto mong tapatan ang isang overpowered na hero, banggain mo din ng overpowered na hero. Benedetta ang panagalawa sa ating listahan.

Kung hindi mo pa nakita, halimaw ang early game kill potential ng Benedetta dahil sa Phantom Slash at Eye for an Eye. Bukod dito, hindi isa sa mga pinaka-mobile na hero sa MLBB ang hero na ito kaya naman kahit magaling na Paquito user ay madaling ma-uumay ng Benedetta.

Hindi rin biro ang epekto ng Alecto: Final blow sa mga extended team fights kaya naman panglason ang hero na ito sa kahit sino, kasama na ang Paquito.

Barats

Credit: Moonton

Hindi magpapahuli ang Barats na isa ding maaaring ipang-bangga sa Paquito picks. Alaman na natin ngayon na isa sa mga dahilan kung bakit OP ang Paquito ay dahil sa kaniyang skill combos na parehong damage at control ang dala sa team fights. 

Napakadaling bwisitin ng Barats ang Paquito. Isang Detona’s Welcome lang ay purnada ang lahat ng balak ng meta hero. Kapag nasa max stats naman, walang kasing-kunat ang Barats na kayang i-sustain ang lahat ng damage output ng Paquito.