Matapos ang matagal-tagal na paghihintay, tampok na sa wakas sa Recon bundle, ang pinakabagong skin line collection ng Valorant, ang balisong o butterfly knife.

Naging available ang skin bundle noong ika-24 ng Agosto, kaya’t may sapat na oras pa ang mga Valorant fans para kalikutin ito bago lumapag ang bagong Act.

Gaya ng mga naunang collection, walang dagdag na advantage sa gameplay ang Recon skin line maging ang mga attachements nito. Gayunpaman, mainit pa rin ang naging pag tanggap sa military-inspired, at modern shooter aesthetic nito.

Recon bundle ng Valorant

May balisong sa Recon bundle ng Valorant
  • Phantom
  • Guardian
  • Spectre
  • Ghost
  • Balisong (Butterfly Knife Melee)

Naka-categorize bliang Premium Edition (PE) ang Recon skin line at nagkakahalaga ng 7,100 Valorant points.

Libreng makukuha ang balisong kung bibilhin ang buong bundle, pero pwede rin ito bilhin mag-isa sa halagang 3,550 Valorant points.

Features ng Recon skin line collection

Tampok sa pinakabagong skin collection ang randomized model changes at ang kauna-unahang balisong sa Valorant, na matagal nang hinihintay ng fans.

“We just kept building on [the design] every step of the way, knowing — of course — we would have the flair of flipping the knife around in the equip and inspect,” sabi ni Sean Marino, Art Lead ng Valorant.

“But eventually we said, ‘let’s just add [the effects] to everything!’ and included it as part of the attacks when the weapon comes back to rest.”

Maaaring ma-unlock ng mga player ang Recon skin line tiers para weapons at melee, na mayroong custom models at ADS reticle, custom animations, randomized side at bottom attachments, kill banner, pati na rin color variants.

Bukod sa default skin color, may available din sa red, blue, at green, ang Recon weapons.

“Recon is our attempt to capture the fantasy of being in a more traditional modern shooter, having a gun that feels more representative of something you might see in modern combat,” dagdag ni Marino.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na article sa matatagpuan dito.