Malaki ang naging parte ni Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza sa tagumpay ng Blacklist International sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League – Philippines Season 7, pero inamin ng coach na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan bago tuluyang makuha ang championship title.

Matapos ma-accomplish ng mga Agents ang mission nilang patumbahin ang Execration sa grand finals, 4-3, Linggo ng gabi, inilihad ng player-turned-coach sa winner’s interview na muntik na siyang pasukuin ng sunod-sunod na talo kung hindi lang dahil sa suporta na binigay ng kanilang organisasyon.

(FILIPINO) MPL-PH S7 Playoffs Day 5

It’s the Grand Finals of #MPLPH Season 7! Sinong team ang aangat mula sa Lower Bracket at makakakuha ng huling slot para sa #MSC2021? Sinong team ang hihiranging kampeon? Huwag palampasin ang maaksyong pagtatapos ng MPL-Philippines Season 7 dahil this day is definitely one for the books!Match Schedule:Lower Bracket Finals2:00 PM – Loser Match 7 vs Winner Match 8Grand Finals6:00 PM – Winner Match 7 vs Winner Match 9#BeLegendary #MLBBEsports #SmartMPL #DoubleGigaGames

Posted by MPL Philippines on Saturday, May 29, 2021

“Papunta na ako doon sa punto na malapit na ako mag-quit dahil hindi ko talaga magawan ng paraan kung paano sila mananalo pero minotivate nila kami kaya nakarating kami ngayon sa championship,” kwento niya.

Mula sa SxC Imbalance noong ikalawang season, EVOS PH noong season three, hanggang sa makuha ng Tier One-owned team na Blacklist International, hindi ikinaila ni BON CHAN na mahaba ang kanyang nilakbay kasama ang dating teammate na naging sixth-man Dexter “DEX STAR” Alaba bago makuha sa wakas ang championship title.

Unbowed. Unbent. Unbroken. Blacklist International ang inyong MPL-PH Season 7 grand champions! 👑

Posted by ONE Esports Philippines on Sunday, May 30, 2021

“Sobrang napakahalaga ng championship na ‘to, dati ang ginagawa ko lang dahil sa hirap kaming manalo, ‘pag nanalo kami minsan pinapanood ko lang yung replay para maramdaman ko lang na nananalo pa kami,” sabi pa ni BON CHAN.

Naging notorious ang Blacklist International ngayong season dahil sa “Nice One, Baby” meta na sumikat hindi lamang sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa mga karatig na bansa.

Ibang takot din ang kanilang dinulot sa mga ranked game players nang pasikatin ni Danerie “Wise” Del Rosario ang Jungle Aldous, na kalauna’y sumelyo sa tagumpay ng koponan.

Tinapos nila ang regular season bilang Group B top seed na may 92% win percentage. Tinuldukan nila ang matagumpay na kampanyang ito nang may MPL-PH trophy matapos talunin ang Bren Esports sa unang round ng upper bracket, Aura PH sa semifinals, at Execration grand finals. 

Pero hindi lang kina BON CHAN at DEX STAR naging mahalaga ang kanilang pagkakapanalo. Nakoronahan na rin sa wakas si Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at ang ka-dynamic duo nitong si Wise matapos mabigo nang dalawang sunod na beses sa grand finals.

Nagsilbing tiket din ang championship title ng Blacklist International para maisama si ‘uncle’ Mark “ESON” Gerardo sa listahan ng mga two-time MPL-PH champions, at makabalik sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup matapos ang tatlong taon.


Kakatawanin ng Blacklist International at first runner-up Execration ang Pilipinas sa MSC 2021 na gaganapin simula Hunyo 7, 2021. Haharapin ng mga MPL-PH Season 7 grand finalists ang mga koponan mula sa Indonesia, Malaysia, Singapore, Laos, Thailand, Cambodia, at Vietnam para maiuwi muli ang regional title pati na rin malaking bahagi ng kabuuang $150,000 prize pool.