Ilang araw matapos ang pahayag ni Valve ukol sa paghahanap ng bagong venue para sa The International 10, opisyal namang inanunsyo ng Swedish Esports Association na hindi na gaganapin ang palaro sa Stockholm.

Naging malabo na ganapin pa sa Sweden ang pinakamalaking Dota 2 tournament ng taon matapos ng pagtanggi ng Swedish Sports Federation na tanggapin ang esports sa sports federation at i-deny ng Sweden Minister of the Interior na i-reclassify ang The International – Dota 2 Championships bilang elite sporting event.

Sa kabila ng kanilang pakikipagugnayan sa Stockholm Live at Visit Stockholm, ang pagtanggi ng mga nabanggit na ahensya ay magdudulot ng pag-deny sa mga visa na i-a-apply ng mga players, talent, at staff na bubuo sa palaro.

“The absence of this official recognition also means individual border agents would be making decisions about entry for those traveling to the event from countries outside the EU who do not typically need a visa to enter Sweden,” dagdag paliwanag ni Valve.

Saan na gaganapin ang The International 10?

Dota 2 The International 10
Credit: Valve

Hindi naman bumababa ang kompyansa ni Valve na ituloy ang The International 10 ngayong taon kahit pa may mga hadlang. Sa katunayan, naghahanap na raw ang kumpanya ng alternatibong lugar kung saan pwede ganapin ang palaro. 

“As a result, and in light of the current political situation in Sweden, we have started looking for possible alternatives elsewhere in Europe to host the event this year,” sabi ni Valve sa parehong blog post.

Nangako rin ang kumpanya na ihayag kung ano man ang kahihinatnan ng mga pagbabago sa orihinal na plano.

“We remain committed to hosting The International this year in a way that is both safe for all involved, and properly celebrates the players and fans of Dota 2. We will be communicating what we find out as soon as we are able,” dagdag nito.

Matatandaang na-postpone na ang $40 million tournament noong nakaraang taon dahil sa banta ng COVID-19. 


Samantala, patuloy naman ang Regional Qualifiers para sa nasabing palaro. Nagsimula na ang para sa Eastern Europe at South America noong Hunyo 23, habang susunod naman ang Southeast Asia at North America sa Hunyo 30.

The International 10 Regional Qualifier Dates
Credit: Valve

Nakatakdang ganapin ang The International 10 mula Agosto 5 hanggang 15.