Naglabas ang pinakabagong Dota 2 patch update 7.30 ng isang kakaibang tier one neutral item, ang Pig Pole.

Ang item na ito ay nagbibigay ng +6 sa lahat ng stats at active ability na nakakapag-hex sa may gamit nito na may kaakibat na 10% na dagdag sa base movement speed sa loob ng apat na segundo.

Marami ang natuwa nang mabasa nila sa patch notes ang neutral item na ito. May mga player na pinuri si IceFrog sa kanyang pagkamalikhain samantalang ang iba naman ay masaya na sa ideya ng pagko-cosplay bilang baboy.

Sino nga ba ang hindi matutuwa?

Tunay ngang nakakalinlang ang panlabas na anyo, pero maniwala kayo na talagang magandang neutral item ang Pig Pole.


Ito ang 3 dahilan kung bakit dapat mong kunin ang Pig Pole

1. Sulit ang +6 stats

Considering na ang Pig Pole ay isang tier one neutral item na nada-drop sa unang pitong minuto ng laro, ang pagkuha ng extra six points sa raw stats sa lahat ng attributes ay talaga nga namang malaki ang epekto. Katumbas ito ng pagbili ng Belt of Strength, Band of Elvenskin at Robe of the Magi.

Ang tier one stats ng Pig Pole ay nagkakahalagang 1350 gold

Sino mang hero na may Pig Pole ay magkakaroon ng:

120 health
0.6 health regeneration
1 armor
6 attack speed
72 mana
0.3 mana regeneration
6 attack damage

Walang ibang early game item ang nagbibigay ng ganitong value.


2. Versatile ang active skill ng Pig Pole

Bukod sa sulit na stats, ang active ability ng Pig Pole na “Pig, Out!” ay kapaki-pakinabang sa maraming dahilan. Pwede itong gamitin pantakas sa mga ganks, panghabol sa mga kalaban at nakakapag-synergize din ito sa ilang spells.

Maganda ang active ability nito lalo na sa early game kung saan karamihan ng heroes ay wala pang access sa kanilang mobility spells at items.

Movement speed can make or break an early game gank

Swak ang Pig Pole para sa mga hero tulad nila Batrider, Death Prophet at kahit Dark Seer. Ang kanilang mga spell na Firefly, Exorcism at Ion Shell ay nangangailangan na makalapit sa target at patuloy na makahabol gamit ang Pig Out!

3. Libre ‘to at hindi kumakain ng item slot

Bilang isang neutral item, libreng-libre mo itong makukuha. Isa itong biyaya lalo na sa mga support na kadalasan ay limitado ang gold at inventory matapos kumuha ng wards at utility items.

Ang tanging makakapigil sayo na makuha ang Pig Pole ay ang mga kakampi mo at RNG

Dahil siguradong pag-aagawan ang Pig Pole pagka-drop, kailangan mo maging pinakamabilis na clicker o magmakaawa sa kampi mo na hayaan kang kunin ito.

Siguraduhin mong nakatutok ka sa pagpatak ng seven-minute mark kung kailan nagsisimulang maglabasan ang tier one neutral items!

Makikita niyo ang orihinal na akda dito.