Ang Wild Rift SEA Icon Series: Summer Season ay buhay na buhay sa Southeast Asia, na kinabibilangan ng walong iba’t ibang rehiyon na maglalaban-laban para malaman kung sino ang pinakamahusay na teams sa Rift.
Riot Games at One Up Indonesia ang nagtatag ng torneo na may total na US$10,000 ang prizepool ang nakataya para sa mga teams sa Summer Season ng SEA Icon Series Indonesia.
SEA Icon Series Indonesia: Summer Season format at schedule
Sunod-sunod na open qualifiers para sa SEA Icon Series ang naganap noong Abril. Ang top four teams ng bawat grupo ang nag-advance sa final qualifier.
Ang labing-anim na teams ay maglalaban-laban sa final qualifier, kung saan ang top eight teams ang syang makakapaspl sa group stage phase.
Ang group stage ay may single round-robin format na may best-of-three matches, na gaganapin sa May 29-30. Ang top four teams sa group stage ang maglalaro sa Grand Final.
Ang SEA Icon Series: Summer Season Grand Final ng Indonesia ay gaganapin sa June 5-6, na may double elimination format. Ang semifinals ay best-of-five, habang ang final naman ay best-of-seven.
Mga teams na nag-qualify para sa SEA Icon Series Indonesia: Summer Season
Ang 16 teams na ito ang nag-advance mula sa open qualifiers papunta sa final qualifier para sa SEA Icon Series: Summer Season:
- Aerowolf
- Bigetron Infinity
- MBR Esports
- Brother Esports
- Victim Esports
- Alter Ego
- ONIC Esports
- Dewa United Esports
- Western G
- ECHO Esports
- DG Esports
- Eagle 365 Esports
- Arvore
- Rebelion Esports
- The J-Wild Pillars
- Monochrome Esports
Mga teams na nag-qualify para sa SEA Icon Series Indonesia: Summer Season group stage
Ang final qualifier para sa SEA Icon Series Indonesia: Summer Season ay natapos noong nakaraang weekend, mula May 8-9. Ang top eight sa 16 teams ay nag-advance sa group stage.
Narito ang top 8 teams na maglalaro sa group stage:
- Monochrome Esports
- Bigetron Infinity
- MBR Esports
- Onic Esports
- Eagle 365 Esports
- ECHO Esports
- Dawa United Esports
- Aerowolf
Panoorin ang mga matches sa Wild Rift Indonesia Youtube channel. Makibalita sa mga pangyayari sa SEA Icon Series Indonesia sa Wild Rift Indonesia Facebook page.