Malikhain ang Team Secret Wild Rift pagdating sa draft para sa SEA Icon Series: Summer Season. Para sa unang linggo ng Philippine group stage, inilabas nila ang chonky boi composition, at kamakailan lang, naisipan nila na hindi lahat ng games ay nangangailangan ng ADC o carry.

Sa isang match laban sa Nexplay Esports, gumamit ang Team Secret ng “no ADC lineup”, si Tatsurii (mid) ay gumamit ng Orianna, Azar (Baron) gumamit ng Camille, Trebor (jungle) gumamit ng Olaf, Chewy (normally ADC) gumamit ng Seraphine, at si Hamez (Support) sa Sona.

Hinayaan ng team na mag-solo si Camille sa Baron at si Orianna naman sa Dragon lane, habang si Olaf ang nasa jungle, at ang dalawang singers, Sona at Seraphine, ang bahala sa mid.

Nakayanan ng combo i-sustain ang team kahit sa mga mahihirap na clash, dahil sa doble ang shield at healing nito. Ang movement boost galing sa dalawang singers ang tumulong para mapabalis ang paglibot ng Team Secret sa mapa, at ang ultimate ng dalawa, Cresendo ni Sona at Encore ni Seraphine, ang nagbigay ng crowd control sa kanilang mga team fights.

Pasok ang Team Secret para sa Summer Season Playoffs, kasama ng Nexplay Esports. Gaganapin ang playoffs sa June at mapapanood ang stream nito sa Twitch channel ng PPGL.