Napagdesisyunan ng Riot Games na bulabugin ng kaunti ang Valorant sa pagdagdag ng bagong game mechanic mula sa pinakabago nitong agent, si KAY/O.

Ang pinakaaabangang character ay kayang i-suppress ang mga kalaban na gamitin ang kanilang mga agent abilities. At kung ‘di pa sapat ‘yon para masabik ka, merong unique ultimate si KAY/O kung saan pwede syang i-revive ng kanyang teammates.

Bago pa tawaging broken ng Valorant community ang bagong agent, kinilatis naming maigi ang kanyang agent abilities, strengths, weaknesses, combos, at counters.

Narito ang lahat nang kailangan mong malaman tungkol sa bangong Valorant agent.


Sino si KAY/O at anong role ang ginagampanan nya sa Valorant?

Valorant KAY-O Trailer
Credit: Riot Games

Ang backstory ng Valorant war machine na ito ay tulad ng sa Sentinels ng X-Men. Ang murder-bot na ito ay binuo para sa isang layunin: ang iligpit ang mga radiants.

Ang kanyang agent select animation ay maihahalintulad kay Arnold Schwarzenegger sa Terminator, pero may Shotgun (bucky).

Ang bagong agent ay ay isang Initiator pero ang kanyang abilities ay iba kina Breach, Sova, at Skye. Si KAY/O ay hindi para sa mga baguhan. Ang susi sa paggamit sa kanya ay alamin kung sinong agents ang dapat i-suppress tuwing opensa o depensa.

Ang pag-suppress sa kalabang agent ay nangangailangan ng extensive gameplay experience. Kailangang two steps ahead ka sa kalaban para magamit ito ng maayos.

Tinawag ng team captain ng 100 Thieves na si Spencer “Hiko” Martin si KAY/O na isang duelist na maaaring pumalit kina Phoenix o Raze sa agent composition meta sa competitive scene. “I feel like his (KAY/O) abilities are a duelist’s [skills],” sabi ni Hiko.


KAY/O agent abilities

FRAG/MENT

Ang FRAG/MENT ay isnag single-charge explosive fragment naga-activate pag lumapat sa horizontal na surface.

Iba ito sa ibang mollies dahil nagbibigay ito ng pulse-type famage. Meron itong apat na pulses, na tumatagal ng apat na Segundo. Sapat na ang tatlong pulses ng FRAG/MENT para patayin ang kalabang agent.

FLASH/FDRIVE

Ang FLASH/FDRIVE ay isang pambulag na kagaya din ng ibang throwable flash sa Valorant. Meron itong dalawang charges at maaring maibato sa dalawang paraan.

Mas malayo ang bato ng flash at may mas mahaba rin itong fuse na dalawang segundo pag ginamit ang left-click. Ibabagsak naman ito ng mas malapit na may isang segundong fuse pag right-click.

ZERO/POINT

Ito ang main ability ni KAY/O, meron syang isang free charge sa simula ng round. Automatic itong nare-replenish, tulad ng main abilities ng ibang agents.

Ang ZERO/POINT ay isang suppression blade na ibinabato, dumidikit ito at sumasabog pag tumama. Malalaman ni KAY/O kung sinong agents ang inabot ng blast radius, pero hindi nya matutukoy ang location ng mga ito.

Ang mga agents na tinamaan ng ZERO/POINT ay masu-suppress at di makakagamit ng abilities sa loob ng walong segundo.

Ang suppression blades ay walang epekto sa teammates at hindi pumipigil ng mga abilities na na-activate na. Hindi mo pwedeng i-suppress ang ability kung patatamaan ito. Kailangan mong patamaan ang mga kalabang agents para ma-suppress ang kanilang abilities, tulad ng mga Trapwires at Turrets.

Maaari mo ring tanggalin ang Blade Storm ni Jett o ang Showstopper ni Raze gamit ang suppression blade.

NULL/CMD

Ang ultimate ni KAY/O. NULL/CMD, ay nago-overload ng kalabang agent gamit ang polarized radianite energy na may apat na pulse at malawak na radius. Ang mga kalaban na may pulse ay masu-suppress ng apat na segundo kada pulse.

Nagkakaroon din si KAY/O ng fire rate boost habang active ang NULL/CMD. Maari din syang ma-re-estabilize pag namatay sya.

Mayroong 15 segundo ang kanyang mga kakampi para ma-revive si KAY/O. Kapag nasa downed state, mayroong 850 health points si KAY/O, maari syang tuluyang ma-eliminate ng mga kalaban pag naubos ‘yon.

Ibig sabihin nito, pwede na mag-revive si Jett. Thank you, Riot Games.


Strengths ng pagkakaroon ng versatile agent abilities

Ang pinakamagandang gamit ni KAY/O ay ang pagpigil sa mga site rushes. Ang mga kalaban na tatamaan ng kanyang ZERO/POINT suppression blade ay hindi makakagamit ng kanilang entry abilities pag sumugod sila sa sites.

Ang bilang ng mga agents na makikita mo sa radius nito ay magbibigay ng ideyas kung aling parte ng mapa ang open.

Magandang pamalit si KAY/O sa mga duelist dahil meron siyang mga abilities na tulad ng sa kanila. Gamit ang dalawang flashes at isang molly, kaya ng robot na itong tumulong sa mga teammates na makapasok sa mga sites habang umaatake.

Ikinumpara pa ni Hiko ang ultimate na NULL/CMD sa Run It Back ni Phoenix bilang isang magandang entry ability dahil may extra life ang team ni KAY/O pag na-revive sya.


Sino ang magandang kasama ni KAY/O?

Valorant Sova Official Art
Credit: Riot Games

Ang pagkuha ng impormasyon ay mahalaga sa Valorant at sina Sova at Cypher ang pinakamahusay pagdating dito.

Madaling ma-suppress ang mga kalaban kung alam ni KAY/O ang lokasyon nila. Ito ang magbibigay ng lamang sa team dahil hindi magagamit ng mga kalaban ang kanilang defensive setups o entry abilities.


Paano lalabanan ang agent na ‘to?

Kailangan nyong umasa sa inyong shooting mechanic at team communication para matalo si KAY/O. Ang pinakamagandang paraan para mahuli ang agent na ‘to ay ang punteryahin sya bago pa nya magamit ang kanyang agent abilities.

Mayroong tatlong visual indicators pag gagamit na si KAY/O ng agent abilities: Nagpapalit ang kulay ng katawan ng robot pag gagamit na sya ng ability. Light blue para sa molly, red para sa flash, at purple para sa suppressor knife.

Makikita rin sa screen sa ulo ni KAY/O kung anong agent ability ang naka-equip sa kanya.


Broken ba si KAY/O?

Masyado pang maaga para masabi kung gaano kalakas ang bagong agent na ito sa kasalukuyang Valorant meta. Ang pagkontra sa mga agent abilities ay isang bagong konsepto sa Valorant na magtututlak sa mga players na mag-isip at magbago ng laro.

Sa mga impormasyong aming nakalap, si KAY/O ay isang agent na magiging viable at versatile sa lahat ng maps dahil kaya nyang gumanap ng iba’t ibang roles.

Para sa mga players na nais gamitin si KAY/O bilang main agent, kakailanganin nyo munang i-master ang kanyang agent abilities, at matutunang basahin ang mga kalaban.

Paalala: sa Project A, mahalaga ang shooting. Hindi abilities ang papatay sa kalaban, lalo na kung may KAY/O sa kalabang team.