Isinilang sa isang pamilya na mahilig sa gaming, hindi nakapagtatakang naging isang esports pro si Jason “f0rsakeN” Susanto.

Nakilala sya bilang nakababatang kapatid ni CS:GO champion xccurate, ngunit matapos ang nakaraang VCT SEA Playoffs, pinatunayan ni f0rsakeN na kaya nyang gumawa ng sariling pangalan sa larangan ng esports.

Nagsimula ang interes nya sa gaming dahil sa kanyang ama, na nagtrabaho bilang isang computer technician.

“But it was my brother who invited me to start playing seriously,” sinabi ni f0rsakeN sa ONE Esports. “When I saw my brother play, he was really good, so I decided to follow.”

Nagsimula siyang maglaro competitively sa edad na 12. Tulad ng kaniyang kuya, nagsimula siya sa CS:GO. Nang lumabas ang Valorant, di na napigilan ni f0rsakeN na laruin ito.

Ito na ang pagkakataon para patunayan nya ang sarili nya.

Sa edad na 17 years old, isa sya sa mga pinakabatang players sa VCT SEA Playoffs, para sa Singapore team na Paper Rex. Kahit na hindi nag-qualify ang Paper Rex para sa grand finals, tumatak sa mga tao ang husay na ipinakita ni f0rsakeN sa Valorant SEA scene.

Napag-alaman din ni f0rsakeN na may isa pang FPS player na kapareho niya ng IGN. “I was about to change my nickname,” kwento ni f0rsakeN. “But then, my father told me not to change because I was already famous with this name. So, I followed his advice.”

Inulan ng papuri ang pinakabatang myembro ng Paper Rex mula sa kanyang mga teammates.

“He has great ideas, he knows what he wants to do and he knows what he needs from us,” sabi ni Tommy ng Paper Rex. “He helps us and we help him quite a bit, with all the support, whatever he needs. He’s just a good player, one of the best in SEA right now.”

At nang tanungin kung makikita natin ang tandem ng magkapatid na xccurate at f0rsakeN sa Valorant, bukas ang isip ni f0rsakeN sa ideya.

“Maybe. We make a better team in Valorant than we do on Counterstrike!” natatawa nyang sabi.

Determinado sa patuloy na pag-improve si f0rsakeN at ang kanyang squad na Paper Rex. Maaring patapos na ang Stage 2 Challengers, pero nakatuon na ang tingin nila sa Stage 3.

Sa murang edad, alam ni f0rsakeN nas nahanap nya na ang passion nya sa esports. At dahil sa Valorant, napatunayan nyang kayang gumawa ng pangalan sa sarili nya ng hindi umaasa sa iba.