Nagpabatid ng pasasalamat ang Bren Esports sa kanilang Valorant roster matapos umalis ang mga manlalaro nito sa nasabing koponan para ma-explore at review ang iba pa nilang oportunidad.

Inanunsyo ng organisasyon ang nasabing desisyon Miyerkules ng hapon sa social media. Binalikan nila ang ‘rollercoaster ride’ ng kanilang team na pinangibabawan ang competitive Valorant scene ng Southeast Asia.

Bren Esports Valorant
Credit: ONE Esports

“As of the moment, the team has decided to explore and review other possible opportunities, a decision that we respect and wish them all the best in their competitive careers,” sulat ng Bren Esports.

Nagpasalamat din ang naturang organisasyon sa mga manlalaro nito hindi lang sa pagrepresenta nila sa Bren Esports kung hindi pati na rin sa buong Pilipinas.

Ang mga achievements ng Bren Esports Valorant roster

Bren Esports Valorant
Credit: PPGL

Naging parte ng Bren Esports sina Jessie “JessieVash” Cuyco, Jayvee “DubsteP” Paguirigan, Jim “BORKUM” Timbreza, at Kevin “Dispenser” Te noong nakaraang taon. Kinumpleto ang Valorant roster na ‘to ni Riley “witz” Go nitong Mayo.

Sa ilalim ng kanilang nasabing bandera, humakot ng championship title ang mga nasabing manlalaro, kabilang na ang mga tagumap sa Mineski VxV, PVP Esports Final 2020, at VALO2ASIA Launch Invitational 2021.

Nang malatag ang Riot Games-organized na Valorant tournaments, hindi rin nagpahuli ang pambato ng Pilipinas. Magiting nilang nirepresenta ang bansa kontra pinakamagagaling na koponan sa rehiyon, hanggang sa hirangin silang kampeon ng nagdaang VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs noong nakaraang buwan.

Bren Esports VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs champion
Credit: Bren Esports

Sa kasamaang palad, kahit pa kasama din ng nasabing kampeonato ang tiket papuntang Germany para sa VCT Stage 3 Masters Berlin, isang international Valorant tournament, bigong nakadalo ang koponan matapos maka-encounter ng issue sa kanilang visa.


Sa oras ng paglathala, wala pang opisyal na anunsyo kung saang koponan o organisasyon lilipat ang mga nasabing manlalaro.