Bren Esports ang tinanghal na kampeon sa katatapos lang na Valorant Champions Tour (VCT) Challengers PH Stage 3 Week 1.

Muling ipinakita ng Bren Esports kung bakit sila ang mga hari ng Valorant sa Pilipinas nang tapusin nila ang grand final series laban sa Galaxy Racer sa score na 3-1.

Matibay na panimula ng Bren Esports

Naganap ang unang match ng series sa Icebox ngunit mabilis na nag-init ang Bren Esports. Nagsimula ang match nang may palitan ng rounds mula sa magkabilang teams. Ngunit habang umuusad ang match ay unti-unting kumuha ng lamang ang Bren Esports.

Sa Round 21, tinapos ng Bren ang game nang isa-isa nilang mapitas ang mga myembro ng Galaxy Racer para sa isang flawless finish sa score na 13-8.

Nagpatuloy ang kalbaryo ng Galaxy Esports sa game two sa Haven. Ramdam ang momentum ng Bren Esports lalo na nang manalo sila sa unang sampung rounds na sinamahan pa ng “Borkum Time” highlights hatid ni Jim “Borkum” Timbreza.

Isang napakagandang clutch play din ang nagawa ni Borkum sa tulong na pag-scout ni Jessie “JessieVash” Cuyco.

Natapos ang game two sa isang landslide score na 13-6.

Galaxy Racer pumalag sa game three

Hindi iba sa mga naunang games ang pagpasok ng game 3 sa Breeze. Gaya ng sa game one, unti-unting kinuha ng Bren Esports ang kalamangan.

Pero nag-iba ang ihip ng hangin pagadating ng Round 15. Matapos itanim ni Borkum ang spike sa A Site, isa-isa silang itinumba ng Galaxy Racer. Nakakuha ng 3K si George “Georggyyy” Lachica at na-defuse ang spike.

Ang panalong ito ang nagbigay ng momentum sa Galaxy Racer para kunin ang sumunod na walong rounds, dahilan para maipanalo nila ang game three sa score na 13-9.

Balikatan na laban sa pagitan ng Bren Esports at Galaxy Racer

Nagpatuloy ang series sa game four sa Ascent, nagpatuloy din ang bangis na ipinakita ng Galaxy Racer mula nung game three. Nakuha nila ang unang apat na rounds at talaga namang ramdam na iba ito sa team na tinalo ng Bren Esports sa game one at two. Dagdag pa dito ang kakaibang husay na ipinamalas ni Georggyyy.

Isang matindi at kapanapanabik na Round 24 ang nasaksihan ng lahat. Match point ito para sa Galaxy Racer sa score na 12-11. Naiwan si Yonggi “Yohann” Tecson sa isang 2v1 situation para i-defend ang naitanim na spike. Naitumba nya si Kevin “Dispenser” Te, ngunit nadali sya ng shotgun ni Jayvee “DubsteP” Paguiringan na syang nagdala sa kanila sa overtime.

Isang 3K play naman ang pinakawalan ni Dispenser matapos nyang maiwasan ang mga flash ng kalaban.

Natapos ang game four sa score na 14-12 para sa Bren Esports, na syang ring tumapos sa best-of-fice series 3-1.

Tinanghal na MVP ng series si Riley “Witz” Go na may 233.6 ACS (Average Combat Score).

Valorant BrenEsportsWitz MVP
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Ang Bren Esports ang unang PH team na papasok sa VCT Stage 3 SEA Challengers Playoffs.