Sandamakmak na solo queue ang nilaro ng superstar duelist ng Sentinels na si Tyson “TenZ” Ngo.

Ang kaniyang fiancé na streamer at content creator na si Kyedae “Kyedae” Shymko, inilahad naman ang rason kung bakit ganito, habang pinapakilig ang kanilang fans.

Sinabi na ng pro player na masaya siya na naglalaro mag-isa. “Maybe I’m sick in the head, but I like solo queueing. I do it in any game I play – I’ll do it in Valorant, I’ll do it in League of Legends,” aniya.

Valorant Amazon gift card
Credit: Nigel Zalamea/ONE Esports
GET YOURS TODAY: Valorant US$10 Gift Card

Ngunit batid ng lahat ng competitive players na hindi madali ang mag-solo queue, na sinangayunan naman ni pro. “I don’t even know how [I solo queue regularly] and not suffer mentally, but it’s fun being in my own little bubble by myself,” kuwento niya.

Yoon pala, may malaking rason kung bakit pinipili pa rin ng Jett player na maglaro ng Valorant nang mag-isa.

Kyedae inilahad ang makabag-damdaming rason kung bakit laging solo queue ang nilalaro ni TenZ

TenZ at Kyedae sa stream
Credit: TenZ

Habang ikinukuwento ang kaniyang rank goals noong 2022, pinakilig ni Kyedae ang kaniyang Twitch viewers nang sabihin niya ang matamis na rason kung bakit solo queue lamang ang nilalaro ng kaniyang nobyo.

Valorant Amazon gift card
Credit: Nigel Zalamea/ONE Esports
GET YOURS TODAY: Valorant US$25 Gift Card

“Do you know what Tyson told me? He goes, ‘The reason why I don’t duo queue with anyone is that I’m waiting for you, so I can duo queue with you.’ I almost cried,” ani ng Japanese-Canadian streamer, matapos ianunsyo na plano niyang tumungtong ng Diamond rank sa Act noong panahon n aiyo, at makarating naman ng Diamond 3 sa susunod.



Matatandaan na matagal nang gawain ng magkasintahan na turuan ang isa’t-isa sa kani-kanilang specialties.

Simula nang mag-umpisa sa kaniyang Valorant career, ginawang personal na misyon ng pro na turuan si Kyedae kung paano laruin ang FPS game.

Kahit pa hindi magkalaro sa Valorant server, matatagpuan palagi ang dalawa sa cooking show ni Kyedae, kung saan natutunan ng pro player na magluto at maghanda ng pagkain.

Cooking show ni Kyedae kasama si Tenz
Credit: Kyedae

Kamakailan din ay lumipat na ng Los Angeles si Tenz para mas mapalapit sa kaniyang nobya na namamalagi sa cash app compound ng 100 Thieves.

Heads up lang, ang ibang links sa ONE Esports ay affiliate links. Ibig sabihin, kapag pinindot mo ang mga ito at bumili ka, may matatanggap kaming kaunting komisyon nang walang karagdagang gastos sa’yo. Isa itong paraan upang panatilihing tumatakbo ang aming site at makapagbigay ng mahahalagang content para. Salamat sa iyong suporta!

BASAHIN: Mapapa-spam ka ng inspect key dahil sa chained kunai knife ng Valorant Kuronami bundle