Bago pa man magsimula ang VCT SEA Challengers Playoffs, mahusay na ang pinapakita ng Filipino Valorant squad na 6045 Pirates.

Nagkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports na malaman ang nakakabilib nilang istorya. Sa isang interview, nagkwento si coach Yuki “Zyki” Uruma, “The team was formed just last November. We then held tryouts before the start of the VCT SEA tournament.”

Ang may-ari ng 6045 Pirates ang nagging sponsor ng Team. Pinapagamit sila ng mga computers na, ayon kay Zyki, “can run [Valorant] in its minimum specifications, along with playing the game at 150hz.”

Naniniwala si Coach Zyki na mas magiging maayos ang paglalaro nila kung kapantay nila ng level ang ibang teams pagdating sa hardware.

“This is the only thing that’s holding us back.”

Sa kahabaan ng VCT SEA Challengers Playoffs, ang pinakamalaking Valorant tournament ng rehiyon, ang 6045 Pirates ay naglalaro sa isang computer café sa Cebu, Philippines.

Di alintana ang kanilang estado, tuloy pa rin sa pakikipaglaban ang 6045 Pirates sa VCT SEA Challengers Playoffs, kung saan ipinanalo nila ang kanilang unang dalawang matches laban sa Vietnamese squad na FEARUS at Indonesian team na NXL. Natalo ang team sa Thai powerhouse na X10 Esports sa huling match ng Day 2.

Sa kabila ng pagkatalo, ipinakita ng 6045 Pirates ang pinakamalupit nilang performance sa buong tournament nang kunin nila ang panalo sa Game 2 laban sa X10 sa score na 13-1 sa Icebox.

Magpapatuloy ang 6045 Pirates sa VCT SEA Challengers Playoffs sa ikatlong round ng lower bracket.

Ang Indonesian squad na BOOM Esports at FEAR US ang maghaharap sa unang round ng lower bracket, kung sino man ang Manalo sa dalawa ay syang lalaban sa FULL SENSE. Ang mananalo naman sa laban na ‘yon ang syang haharapin ng 6045 Pirates. Ang lahat ng mga matches sa round 1 hanggang 3 ng lower bracket ay best-of-one.

Para sa mga latest news at updates, magpunta sa VCT SEA Challengers Playoffs site.