Sa pagtatapos ng Intercontinental Fight Club Asia Season 2 Week 6, tinanghal na kampeon ang Japanese Tekken player na si Genki “Youjin Boy” Kurooka. Gamit ang kanyang Marduk at Gigas, nagtuloy-tuloy ang panalo ni Youjin Boy hanggang sa dulo ng tournament.

Sa grand finals, nakalaban ni Youjin Boy ang Filipino Tekken prodigy na si Alexandre “AK” Laverez ng PlayBook Esports. At hindi ito ang unang beses na nagkatapat sila sa ICFC Season 2, nagkaharap din sila sa grand finals noong Week 2 at Week 4.

Sa huling round ng kanilang laban sa Howard Estate, nasalag ni Youjin Boy ang tangkang Dragon Uppercut ng Marshal Law ni AK. Na-punish niya ito ng Air Lift Uppercut ng kanyang Marduk at nagresulta sa isang wallbreak combo na may Corkscrew finisher. Pag techroll ni AK ay nagbato ito ng Somersault, na nasalag ulit ni Youjin Boy kapalit ang isa na namang Air Lift Uppercut na sinundan ng isang wall combo na may Reversi Throw mix-up ender. Tinapos ni Youjin Boy ang laban sa pamamagitan ng isang Quick Bazooka matapos humangin ng wake up low kick ni AK sa score na 3-1.

Sa kasalukuyan, nangunguna si Youjin Boy sa ICFC Asia Season 2 standings na may 415 points. Pumapangalawa naman si AK na may 290 points.

Tekken ICFCAsia Week 6 Leaderboard
Credit: ten/o

Mapapanood ang ICFC Asia Weekly tournaments tuwing Miyerkules, 8PM, sa Twitch channel ni MajinObama.