Muling magbabalik para sa ikatlong season ang The Nationals Tekken 7 Pro League sa darating na Miyerkules, May 12.

Ang The Nationals Season 3 ay nagbukas ng pinto para sa mga aspiring esports athlete na nagnanais maging professional. Sa tulong ng Challenger Series at Academy Series, nagbigay ito ng pagkakataon sa maraming players upang maipakita ang kanilang husay sa Tekken 7.

Sa pagtatapos ng Draft Series, nakumpleto na ang mga teams na maglalaro sa Pro League. Ang mga franchise teams ay binubuo ng isang pro player at isang draftee. Ang pagpasok ng mga draftee sa liga ang isa sa mga dahilan kung bakit magiging mas exciting ang season na ‘to.

Credit: The Nationals PH

At narito ang listahan ng mga players na maglalaro sa The Nationals Tekken 7 Pro League Season 3:

Smart Omega

Pro: Juliano “Jules” Lozano
Draftee: Daniel “Machinehead” Eking

STI E-Olympians

Pro: Michael “Hapon” Magbanua
Draftee: Joachim “Gold Standard” Fuentes

Cignal Ultra Warriors

Pro: Raphael “Vermilion” Cueva
Draftee: Daniel “Kunicat” de Leon

Happy Feet Emperors

Pro: Jeffrey “Coffee_Prinz” Gonzales
Draftee: Jim “Don Argus” Casimiro

Bren Epro

Pro: Maru Sy
Draftee: Lance “SideSteplance” Yulo

Laus PlayBook Eagles

Pro: Alexandre “AK” Laverez
Draftee: Jassen “JS5N” Capuyan

Mapapanood ng live ang The Nationals Tekken 7 Pro League Season 3 tuwing Miyerkules, Huwebes, Sabado, at Linggo sa The Nationals Facebook page.