Sa kakatapos lang na Day 4 ng play-ins ng The Nationals Season 3 Tekken 7 Conference, at nangunguna pa rin sa standings si Juliano “Jules” Lozano ng Smart Omega.

Sa kanyang unang match, hinarap ni Jules ang isa sa mga bigating players ng The Nationals na si Raphael “Vermilion” Cueva ng Cignal Ultra Warriors. Balikatan ang naging laban ng dalawa na umabot sa Double Luigi.

Masasabing mahigpit ang huling round dahil walang juggle na naganap. Sa huling sandal ng laban, nayukuan ng Steve ni Vermilion ang Twin Snake Strike (d+3,2) ng Leroy ni Jules, at dito nagpakawala ng Wildman (WS+1,2) si Vermilion. Kahit natalo si Jules sa score na 2-1, nakakuha pa rin sya ng 1 point mula sa match na ito.

Matapos matalo sa unang match, mas naging pursigidong makabawi si Jules sa kanyang ikalawang match. Gumamit sya Paul laban sa Geese ni Michael “Hapon” Magbanua ng STI E-Olympians. Kapansin-pansin ang pagkasolido ng depensa at pasensya ni Jules sa match na ito. Makikita ang kaniyang focus dahil napakaganda ng kaniyang punish game. Sa huli, tinapos ni Jules ang match sa score na 2-0 na nagbigay sa kanya ng 3 points.

Tekken TheNationals SEOHapon SMOJules
Credit: The Nationals
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Sa kasalukuyan ay nangunguna si Jules sa player standings na may 18 points. Pumapangatlo naman ang kanyang teammate na si Daniel “Machinehead” Eking na may 15 points.

Tekken TheNationals PlayerStandingsDay4
Credit: The Nationals

Isang araw na lang ang natitira bago matapos ang play-ins, at dahil sa kanyang pwesto sa rankings, sigurado nang pasok si Jules sa groups stage.

Mapapanood ng live ang The Nationals Tekken 7 Pro League Season 3 tuwing Miyerkules, Huwebes, Sabado, at Linggo sa The Nationals Facebook page