Marami ang natuwa sa performance ng bagong Tekken player ng Cignal Ultra Warriors na si Daniel “Kunicat” de Leon sa kanyang unang araw sa The Nationals Pro League Season 3 Tekken 7 Conference. Pero mas marami ang nagulat sa kanyang pop-off matapos ang laban nila ni Joachim “Gold Standard” Fuentes ng STI E-Olympians.

Matapos Manalo sa Game 3 ng kanilang match ni Gold Standard, makikita si Kunicat na ginagawa ang Kuji-kiri (ninja hand signs), bagay na ikinagulat at ikinatuwa ng maraming viewers.

Ang Kuji-kiri ay ang victory pose ni Kunimitsu, ang main character ni Kunicat.

Matatandaan na ang victory pose na ito ay ginawa rin ng tandem na sina Kenny “Prime” Samia at Jerickson “Jaydeezaztah” Tarun noong The Nationals Season 1.

Sa kasalukuyan, si Kunicat ay may standing na 7-7 at 9 points.

Mapapanood ng live ang The Nationals Tekken 7 Pro League Season 3 tuwing Miyerkules, Huwebes, Sabado, at Linggo sa The Nationals Facebook page.