Matapos ang ilang linggo, nakuha na din ng Filipino Tekken prodigy na si Alexandre “AK” Laverez ng PlayBook Esports ang championship para sa Intercontinental Fight Club Asia Week 7.

Sa ikaapat na pagkakataon, muling nakalaban ni AK ang kaniyang mortal na kalaban sa ICFC Asia, si Genki “Youjin Boy” Kurooka sa grand finals.

Si AK ang may hawak ng twice-to-beat advantage sa grand finals, pero mabilis na nakuha ni Youjin Boy ang una at pangalawang game gamit ang kanyang Marduk laban sa Shaheen ni AK. Sa pagpasok ng game 3, nagpalit ng character si AK at inilabas nya ang kanyang Akuma. Sa bandang 30-second mark ng round 3, nahuli ni Youjin Boy ng jab ang Demon Flip mix up ni Akuma, dahilan upang ma-float ang kalaban at magawa nya ang combo na tumapos sa game at nag-reset ng bracket.

Matinding palitan ang nangyari sa pangalawang set ng grand finals, na umabot sa game 5 ng best-of-five series.

Sa final round, maagang lumamang si AK dahil sa isang isang Focus Attack Dash Cancel combo na sinundan pa ng low kick to Dragon Punch pick up na may Tatsu ender sa wall, halos 1/4 na lang ng lifebar ni Youjin Boy ang natira matapos ang atakeng ito. Sinubukang humabol ni Youjin Boy ngunit di ito hinayaan ni AK, na nakapag-ipon na ulit ng isa pang EX bar. Sa puntong ‘to, hindi na nagsayang ng pagkakataon si AK, ginamit nya ang FADC matapos ang low kick to hadoken combo na sinundan nya ng Gokumonsyo (d/f+1,1). Matapos ang ilang mid attempts, tinapos ni AK ang round at ang buong tournament sa pamamagitan ng isang low kick.

Kasalukuyan pa ring nangunguna sa leaderboard si Youjin Boy na may 495 points, habang pumapangalawa si AK na may 360 points. Sa kanilang current standing, siguradong makakapasok ang dalawa sa ICFS Asia Season 2 Finals.

Tekken ICFC Asia Week 7 Leaderboard
Credit: ten/o

Mapapanood ang ICFC Asia Weekly tournaments tuwing Miyerkules, 8PM, sa Twitch channel ni MajinObama.