Si Alexandre “AK” Laverez ng Laus PlayBook Eagles ang Tekken 7 Champion ng Conference 1, Conference 2, at Season Finale ng Season 1 ng The Nationals. Siya rin ang Season Finale Champion ng Season 2. Sa apat na kampeonatong kanyang naiuwi, hindi nakapagtatakang tawagin isyang The King of The Nationals.

Sa pagbubukas ng unang araw ng The Nationals Pro League Season 3 Tekken 7 Conference, pinatunayan ni AK na sya pa rin  ang dapat katakutan sa liga.

Sa kanyang series laban kay Maru Sy ng Bren Epro, pinakita ni AK ang kanyang husay sa paggamit ng Law laban sa Bryan ni Maru nang kunin nya ang Game 1. Gigil na bumawi si Maru at kinuha ng no round brown ang  Game 2. Dito na naramdaman ni AK na kailangan nya nang magpalit ng strategy kung kaya’t inilabas nya na ang kanyang Geese para tapusin ang series sa score na 2-1.

Tekken Hari ng The Nationals na si AK
Credit: The Nationals

Ang dragon ng Smart Omega na si Juliano “Jules” Lozano naman ang sumunod na kalaban ni AK. Muli nyang ginamit si Law laban sa Bob ni Jules. Umabot ng final round ang Game 1 at sobrang dikit ng laban. Sa 27-second mark ng timer, humangin ang Banana Peel ni AK ngunit hindi ‘to na-punish ni Jules, dahilan upang makapagbato si AK ng mid body blow na syang nagpanalo sa kanya sa Game 1. Halos dikit din ang laban ng Game 2. Pitong Segundo na lang ang natitira sa timer nang nahagip ng second hit ng Junkyard Combo ni Law ang Bob ni Jules. Kinuha ni AK ang series sa score na 2-0, na nagbigay sa kanya ng 3 points.

Sa pagtatapos ng Day 1, nakakuha si AK ng 5 points, isang magandang simula para sa kampeon. Magawa nya kanyang ipagpatuloy ang paghahari nya sa liga? O makakakita ba tayo ng hahamon at papantay sa bangis ng hari?

Mapapanood ng live ang The Nationals Tekken 7 Pro League Season 3 tuwing Miyerkules, Huwebes, Sabado, at Linggo sa The Nationals Facebook page.