Inanunsyo ng Bandai Namco Entertainment ang pagdagdag nila ng apat na characters sa inisyal na Tekken 8 roster.

Hindi lamang nito pinalakas ang total character count ng laro sa 30, kundi sinagot din nito ang mga hiling ng mga fans na dagdagan ang lineup.

Tekken 8 Devil Jin
Screenshot ni Ron Muyot/ONE Esports

Matagal ng kilala ang Tekken series sa kanilang lore at pag-dagdag ng mga bagong characters para maghatid ng bagong perspektib sa kasalukuyang saga.  

Kasabay niyan, nagbibigay pugay din ito sa pinagsimulan ng franchise sa pagbalik ng mga legacy characters mula sa mga nakaraang installments. Ang dual approach na ito ang nakapagbigay sa laro ng kaniyang matibay na appeal at tagumpay.


4 legacy characters idinagdag sa Tekken 8 roster 

Tekken 8 Lee Chaolan
Screenshot ni Ron Muyot/ONE Esports

Ibinunyag ng bagong roster reveal ang apat na iconic characters na magbabalik sa Tekken 8. Ito ay sina Devil Jin, Zafina, Alisa Bosconovitch, at Lee Chaoloan.  

Tekken 8 Alisa
Screenshot ni Ron Muyot/ONE Esports

Dumating ito matapos ang astig na trailer premiere sa YouTube channel ng IGN.  

Dagdag pa sa apat na bagong characters, ibinunyag din sa trailer na magkakaroon ng dalawa pang character announcements – isa sa November 2 at isa sa November 12.  

Tekken 8 Zafina
Screenshot ni Ron Muyot/ONE Esports

Patuloy na pinapalago ng Tekken 8 ang legasiya ng fighting game franchise, at umpisa pa lang ang mga character announcements na ito.  

Habang naghihintay ang mga fans sa release ng laro, malinaw na tapat ang Bandai Namco sa paghatid ng ‘di makakalimutang gaming experience na puno ng fan service at mga panibagong pagsubok.  

Ma-excite na ang inner warrior mo sa paglabas ng Tekken 8 sa January 26, 2024.  

Panoorin ang full trailer dito.



Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Tekken.

BASAHIN: Tekken 8 may bagong replay feature na hahayaan kang kontrolin ang character mo