Pagdating sa Tekken 7, si Maru Sy ang pambato ng Bren Esports. Itunuturing syang isa sa mga pinakamahusay na players sa Pilipinas katulad nila Alexandre “AK” Laverez at Andreij “Doujin” Albar.

Sa husay niyang maglaro, hindi mo aakalain na minsan niya nang inisip na iwan ang pagte-Tekken.

Nagsimulang maglaro ng Tekken si Maru noong taong 2009, panahong buhay na buhay pa ang arcade scene sa bansa. “I didn’t have a lot of friends growing up,” sabi ni Maru sa ONE Esports. “We lived near malls, so I played a lot in arcades. And that’s where I first encountered Tekken.” 

Credit: The Nationals PH

Habang tumatagal, mas naging competitive si Maru; dito lumabas ang potensyal niya na maging mahusay sa larong ito. Marami syang sinalihang tournaments at unti-unti siyang nakilala sa community bilang isang mahusay na player. ‘Yun nga lang, hindi pabor ang pamilya niya sa libangang ‘to.

“They thought I was gambling my time and money away,” sabi ni Maru. “They wanted me to find another hobby.”

Sa kagustuhang ipagpatuloy ang pagte-Tekken, umisip ng paraan si Maru para kumita ng sariling pera. Kumikita naman siya ng paunti-unti sa pagsali sa mga maliliit na tournaments, pero nung tamaan ng malubhang karamdaman ang kanyang ama, naisip niyang hindi ‘to magiging sapat. Pagkatapos nyang grumaduate noong 2017, nagbago ang priorities niya dala na rin ng sunod-sunod na pagkatalo sa mga tournaments, mas minabuti niyang maghanap ng trabaho.

Sa puntong ‘to, marami syang pinasok na trabaho.

Mula pagiging isang Grab driver hanggang pagtatrabaho sa punerarya. Nakapagtrabaho rin sya sa Figaro at Starbucks, at naging barista ng ilang taon. Habang kumakayod at nagtitimpla ng kape, nababalitaan niya ang mga kasabayan nyang sila AK and Doujin na kaliwa’t kanan ang mga napapanalunang tournaments.

“I got a bit jealous,” inamin nya.  “They got their dream. All the attention was on them. They had sponsors, they had their families with them during tournaments… I never had that. ‘Well, too bad I don’t play anymore!’ I thought.”

Nabalitaan ni Maru na may isang esports team na naghahanap ng Tekken players. Di sya nagdalawang-isip na mag-submit ng resume sa Bren Esports, na di rin nag-atubiling tanggapin sya agad-agad.

“When Bren Esports came into the picture, they provided everything I needed. Stick, console, and all I had to do was play,” sabi ni Maru. “I thought about all the times in high school when I had such a hard time trying to find money to play, and now I’m being given everything. I used to just play in community tournaments. Now, Bren brings me all over the world to compete in big, international ones. The fact that someone was investing this much in me gave me the motivation to be better.”

Professional support, yun lang pala ang kulang. Ngayong wala nang hadlang, balik eksena na ulit si Maru bitbit ang bandera ng Bren Esports. Nakuha nyang maging kampeon sa Malaysia FVCup x SEA MajorKuala Lumpur 2019, ang kauna-unahang international tournament na sinalihan nya matapos nyang magbalik-eksena.

Credit: Bren Esports

Dala ang bagong kompyansa, pinabilib nya ang lahat sa pinakita niya sa unang season ng The Nationals, kung saan nakuha nya ang 2nd place.

Nabingwit nya ulit ang 2nd place sa ikalawang season ng The Nationals. Siya rin ang tinalagang kampeon ng 2020 Eilat Philppine Qualifiers at kumatawan sa Pilipinas sa 12th IESF World Championship Southeast Asia Finals.

Pabirong sinabi ni Maru na kung di siguro siya natigil sa paglalaro ng Tekken ay mas mahaba pa ang listahan ng achievements nya. Pero ngayon, sa tulong at suporta ng isang major esports team, mas minabuti nyang wag panghinayangan ang mga nangyari dati.

“I never thought my arcade days would lead to a career. I guess it goes to show you shouldn’t treat anything as a waste of time,” sabi ni Maru.  “You never know when it’ll benefit you in the future.”