Mainit galing sa 2-0 sweep sa Day 1 ng Group Stages ng MSC 2021, ipinagpatuloy ng MPL-PH representative Execration ang pagtupok nila sa kumpetisyon matapos sunugin ang Nigthmare Esports sa Day 2 ng Group Stages.

Walang bangungot, sweet dreams lang ani ng MPL-PH runner ups na itinampok ang pagbabalik ng alamat na si Billy “z4pnu” Alfonso na pumalit muna kay James “E2Max” Caidic sa matchup na ito.

The long wait is Over, It's OVER! 🖤💙Z4pnu In. Ihanda ang mga camera!#ExeShot #ExeWin #LuponWxC#CherryMobile #MSC2021 #ComebackLegends

Posted by Execration ML on Monday, June 7, 2021

Sa banning phase pa lang ng game 1, halata ng malalim ang background check ng team galing Laos sa kanilang bigating katunggali.

Laos na ang Diggie Strat sabi ng EXE

First phase ban ng Nightmare ang Harith ni Duane “Kelra” Pilllas at Ling ni Kiel VJ “kielvj” Hernandez kasama ang Claude deny na susing mga heroes sa arangkada ng PH representative.

Kahit pa isinalang ng Nightmare ang patok na Diggie strat, hindi ito sapat para pigilan ang farm ng Yi Sun Shin ni kielvj sa tulong ng position 4 Chou ni z4pnu na nagtala ng 8/1/2 KDA anim na minuto sa laro.

Patuloy na Bugbog ang Laos team sa laro na natapos lamang bago ang 12 minuto. Basic para kay Joshua “Ch4knu” Mangilog ang game 1 kung saan nagtala ang kanyang Kaja ng epektibong 2/1/5 KDA para makuha ng MVP.

Screencap by Calvin Trilles

Tapos ang Boksing sa Akai ni Ch4knu

Carbon-copy ng Blacklist lineup ang isinalang ng Nightmare Esports sa pangalawang bakbakan sa serye sa Estes at Rafaela dual supports. Gayunpaman, pinatunayan ng PH reps na basado na nila ito.

Sa isang top lane engagement 5 minuto sa laro, perpektong Real World Manipulation, Hurricane Dance at Blazing duet combination ang lumapnos sa tatlong miyembro ng non-MPL representative.

Ito ang naging tempo ng buong laro kaya naman tuluyan ng naselyo ng Execration ang pangalawa nilang sweep sa Group stage, 2-0. Bida pa rin si ch4knu sa kanyang Akai na may 0/3/11 KDA para maging MVP of the game.

Screencap by Calvin Trilles

Sa panalong ito, naselyo na ng Execration ang slot sa upper bracket. Patuloy na suportahan ang ating mga representatives sa pagpapatuloy ng MSC 2021!