Pinatunayan ng Blacklist International na walang makatitibag sa kanilang Ultimate Bonding Experience (UBE) strategy matapos nilang kumpletuhin ang reverse sweep kontra Execration upang maiuwi ang tropeyo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League – Philippines Season 7.

Mainit ang salpukan ng dalawang bigating teams na umabot pa ng 7 games.

Kinumpleto ng Aldous pick ang reverse sweep

Sa ikahuling laro ng championship matchup, mistulang nakatadhana ang pagpapakawala ni Blacklist Coach Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza sa Aldous ni Danerie “Wise” Rosario. Halatang hindi handa ang Execration sa bigat ng suntok ng Aldous ni Wise na bumalagbag sa kanilang line up sa early to mid game.

[MPL-PH S7 Day 5] BLCK vs EXE Game 7

Hanggang sa dulo ng walang hanggan hinabol ng Aldous ni Wise ang Ling ni Kielvj para kuhanin ang maagang kontrol sa laban. Nakuha ng Blacklist ang reverse sweep para nakawin ang kampyonato ng MPL-PH Season 7GGWP EXE! 💪Video from MPL Philippines

Posted by ONE Esports Philippines on Sunday, May 30, 2021

Hindi naman pumayag ang Execration na mabugbog ng walang sukling sapak. Sa death push ng Blacklist 13 minuto sa laro, milagrosong napitas ni Duane “Kelra” Pillas sa kanyang Lunox ang kabuuan ng Blacklist lineup para makuha ang Savage.

Ngunit sa huli, hindi parin naging sapat ang lineup ng Execration para sabayan ang late game Aldous, at Estes-Rafaela composition. Sinentensyahan ng Blacklist ang EXEsa lord pit 17:30 minuto sa laro kung saan maagang napitas ang Lunox at nasecure ang lord para selyuhan ang kampyonato.

It’s so static, it’s fantastic sabi ng Execration

Sa naunang mga laban ng serye, tila nalutas na sa wakas ng Execration ang trademark strategy ng Blacklist ng makuha nila ang 3-1 kalamangan.

[MPL-PH S7 Day 5] BLCK vs EXE Game 4

Walang sustain-sustain sabi ng EXE matapos nilang linisin ang Blacklist sa lord pit para sa game 4 panalo! It's Matchpoint for EXE, 3-1 sa seryeVideo from MPL Philippines

Posted by ONE Esports Philippines on Sunday, May 30, 2021

Gamit ang kanilang double-core setup tampok ang signature Claude at Ling ni Kiel VJ “kielvj” Hernandez, pinarusahan nila ang pagkukumpulan ng Blacklist sa pamamagitan ng split push at patuloy na pag-fafarm ng kanilang core heroes para sa sabong sa late game.

OhMyV33nus: Luhod, Exe

Nagbago ang ihip ng hangin sa ikalimang laro ng serye ng napasakamay ni Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna ang kanyang hyper-aggressive na Mathilda na lumapnos sa lineup ng Execration sa early game. Nagtala si “Queen V33” ng 3/1/8 KDA at napakataas na 92% kill participation para ibaling ang momentum ng serye papunta sa kanyang kupunan.

Tampok din sa finals matchup na ito ang mga off-meta picks ng Blacklist na ipina-maniobra kay Mark “Eson” Gerardo. Pinatikim ni Eson ang Execration ng kanilang Bangkay Salakay diskarte sa game 5 at ng signature hero nya na Franco na bumuhat sa Blacklist sa game 6.

[MPL-PH S7 Day 5] BLCK vs EXE Game 6

Punit ang 4 na heroes ng Execration dahil sa Franco pick ni Uncle Eson. Ito ang nagbigay daan para sa kalamangan ng Blacklist International sa mid-game engagement.Tabla na sa 3-3 and we're down to the last game!Video from MPL Philippines

Posted by ONE Esports Philippines on Sunday, May 30, 2021

Sa post-game press conference, emosyonal na humarap si Coach Bon Chan na nagpasalamat sa mga tumulong sa Blacklist papunta sa kanilang unang MPL-PH championship.

“Nagpapasalamat ako sa mga taong sumuporta sa amin lalo na sa Blacklist agents. Sila ang naging motivation namin para makuha ang champioship na ito,” banggit ni Coach BON CHAN.

Sa kabilang banda, hindi parin makapaniwala si OhMyV33nus na nakuha na nya ang pinakahihintay nyang korona. “Sobrang lutang ako ngayon, super. Di ko pa na-proprocess.”

Hindi pa tapos ang lakbayin ng Blacklist International dahil sila rin ang magrerepresenta sa Pilipinas sa darating na MLBB Southeast Asia Cup 2021.