Ang Bren Esports ang Mobile Legends World Champions.

Pero sa nakaraang M2 World Championship, habang ginagawa ng mga beteranong sila Pheww, Ribo, at Lusty ang kani-kanilang parte para ma-secure ang korona, ang walang kapantay na lakas ng mga mas nakababatang miyembro na sila David Charles “FlapTzy” Canon at Karl Gabriel “KarlTzy” Nepomuceno ang pumukaw sa atensyon ng buong mundo.

Matapos ang tournament, kinausap ng ONE Esports ang Tzy brothers tungkol sa kanilang ‘di kapani-paniwalang taon, at kung paano naging isang international sensation ang natatangi nilang tandem.


Ang pagbangon ng Tzy Nation

Nagsimulang sumikat ang Tzy brothers noong MPL Season 6. Ilang season na ring parte ng team si Karl, ngunit sa pagsali lamang ni FlapTzy nagsimulang mapansin ang duo. Si Karl din ang dahilan kung bakit may Tzy sa pangalan ni Flap.

“My in-game name was pretty boring, just Flap,” sabi ng Bren offlaner. “So I copied Karl and also put Tzy since I looked up to him.”

Sa kabila ng paghanga ni Flap kay Karl, medyo nagtagal din bago sila naging komportable sa isa’t isa at magturingan na magkapatid.

“At first he was shy, but it turns out that he has no shame at all,” sabi ni Karl. “Now, I see he’s all over the place.”

“I thought he was a snob when I first met him,” paliwanag ni Flap. “As we became teammates, I found that he’s great to be around.”

Sa pagsali ni Flap bilang fighter ng team, mas naging versatile ang Bren sa kanilang mg drafts at lineup. Ang mga tank/support players na sila Pheww at Lusty, kasama ng multi-role na si Ribo, ay nagkaroon ng pagkakataon na gumamit ng ibang heroes ng hindi nakokompromiso ang kanilang opensa.

Ang Tzy brothers ang tumayong tagapanguna sa agresibong playstyle ng Bren. Si FlapTzy ang nagsisilbing matibay na offlaner, habang si KarlTzy naman ay tumotodo sa mga mabilisang assassin plays.

Sa loob lamang ng isang season, ang duo nila KarlTzy at FlapTzy ay kinilala bilang dalawa sa mga pinaka-mahusay na offensive players sa liga. Si KarlTzy ang unang player na umabot sa 100 kills at assists sa S6. Sa pagtatapos ng season, nangunguna si KarlTzy sa kills (237) habang nasa 11th place naman si FlapTzy (136) sa kanyang rookie season.

Sa pagtatapos ng regular season na may record na 12-1, mas matindi ang pinamalas ng dalawa pagpasok sa MPL PH S6 playoffs.

Hindi nagpa-awat ang roster na pinangunahan ng Tzy duo sa playoffs, pinanalo nila ang Grand Finals na may score na 4-2 laban sa OMEGA Esports. Tinapos ni FlapTzy ang kabilib-bilib nyang rookie season ng kunin nya ang championship ng may napakalupit na double-kill flank gamit si Yu Zhong.

Matapos ang maugong na championship win sa MPL PH S6, tumatak ang pangalan ng Tzy brothers bilang mga kilabot ng MPL PH at tinanghal na pinakamahusay na duo sa buong Pilipinas. Nagkaron din sila ng fanbase na tinawag na “Tzy Nation” na mayroong 37,000 members sa kasalukuyan.

Credit: FlapTzy

Mainit pa mula sa pagkakapanalo sa MPL PH Season 6, tinuon naman nila ang kanilang atensyon sa international competition.

Ang husay ng mga hari ng MPL PH ay sinubok sa ONE Esports MPL Invitational, kung saan nagbato sila ng dalawang clutch reverse-sweeps laban sa Aura PH at Burmese Ghouls. Kinalaunan ay nakatanggap sila ng 3-0 na talo mula sa undefeated team na Alter Ego, patunay lamang na meron pang kaunting gusot na kailangang ayusin ang superteam na Bren Esports.

Sa kagustuhang mabawi ang pagkatalo, mas lalo pang nag-inting ang determinasyon ng Bren ng pumasok sila sa M2 World Championship, kung saan inararo nila ang group stage na may 3-0 record.

Mas mahirap ang pinagdaanan ng Bren sa playoffs, dahil nakalaban nila ang mga kampeon na Todak, Alter Ego, RRQ Hoshi, at Burnese Ghouls. Maging ano pa man ang match-up, laging nakakahanap ang Tzy duo ng paraan para malusutan at mahigitan ang mga world-class teams para tanghaling kampeon.

Dahil sa kahanga-hangang pinakita ng Tzy brothers sa ONE MPLI at M2 World Championships, sumikat ang kanilang pangalan sa international stage, dahilan upang mas lalo pang lumawak ang kanilang fanbase pati na rin sa labas ng bansa.

“It’s really cool that the trend has reached Indonesia,” sabi ni Karl. “Other players there are adding Tzy to their name. We were surprised when we were playing and like “oh, this guy’s got Tzy!”

Sa pagiging iconic ng pangalang Tzy sa MLBB, sinabi ni Karl na masaya sya at nakadugtong na sa Tzy brand ang pagiging malakas na player. At kahit na sumunod lang si Flap sa kanya sa paggamit ng Tzy, naniniwala si Karl na pareho silang may karapatan sa titulo.

“It’s so cool that a lot of people recognize us even if we haven’t met them before, all because of the Tzy,” kwento ni Flap.

Kung nagtataka kayo kung saan nagmula ang pangalang Tzy, ikinwento ni Karl na nagsimula pa ‘to nung panahon ng MPL PH S3. “Our analyst at the time suggested I put something in my name to make it stand out since my name was just Karl,” sabi ng Bren hypercarry. “Since he was familiar with a Dota 2 player, Artour “Arteezy” Babaev, he suggested I put “Teezy”, but change the spelling to make it unique. I took his advice, and here we are.”


Daan tungo sa pagiging pro

Bago maging new-age superstars ng Bren, simple lang simula ng dalawa pagdating sa kanilang MLBB experience. Nagsimula si KarlTzy sa mobile MOBA ng Makita nyang naglalaro ang kanyang kapit-bahay habang si FlapTzy naman ay nagpapalipat-lipat ng laro hanggang bumagsak sya sa MLBB dahil sa kanyang mga kaibigan.

Maagang nagsimula ang pro career ni KarlTzy sa Finesse Solid noong MPL Season 2. Kahit na mahusay na syang carry player noon, hindi sya lubos na nakapag-commit sa pagiging pro hanggang nung sumunod na season.

“I played in MPL Season 2, but I didn’t feel like a pro player yet. I didn’t know what I was doing, I was just playing,” sabi ni Karl.

Ang batang si FlapTzy naman ay sabik na makapasok sa MPL, subalit may pag-aatubili nag kanyang mga magulang na suportahan sya. At dahil hindi naging pro, nagpatuloy na lang si Flap sap ag-grind sa rank games.

Pagdating ng MPL S6, nakumbinsi ang mga magulang nya na payagan syang maging isang pro player sa pangangalaga ng Bren.


Bren Brotherhood

Sa mata ng Tzy brothers, major move sa kanilang esports career ang pagsali nila sa hanay ng Bren Esports.

Napabilib ni Karl ang kanyang future teammate na si Ribo matapos mapanalunan ang ginto para sa team Philippines sa 2019 Southeast Asian Games at naanyayahan syang sumali sa Bren para sa Season 5.

Matapos maging matunog sa ranked ladder, nagsimula ang professional career ni FlapTzy ng may pasabog ng mapanalunan nila para sa bansa ang Razer SEA Invitational kasama si KarlTzy at ang Bren Esports.

“Bren invited me and that’s when I felt like a professional player,” kwento ni Flap. “I was so excited and hyped because the players that I used to idolize were now my teammates.”

Sa tulong at patnubay ni coach Francis “Duckey” Glindro, mas lalo pang humusay ang duo na kilala sa lahat ng rehiyon. Bagamat magaling na ang dalawa, mas pinatibay pa ng team ang pag-unawa sa laro, nakatuon ang focus nila sa drafting phase at pagiging flexible sa mga role picks.

Para sa ipinamalas ng Bren sa M2, si Duckey ang nagpursigi sa kanilang ipanalo ang game seven at tuluyang maging world champions.

“I was so nervous,” sabi ni Flap. “But when coach Duckey said that we had to prove that we weren’t just the best in the Philippines, but in the whole world, I was really inspired to do my best to win.”

Sa ngayon, layunin ang Tzy brothers na masungkit ang back-to-back championship sa MPL Season 7 at sa susunod na MLBB Southeast Asian Cup. At dahil nakansela ang MSC 2020 dahil sa pandemya, mas nasabik ang dalawa na makapag-uwi ng MSC championship para sa Bren.

At sa mga susunod na laban na kakaharapin ng Tzy brothers, nais nilang pasalamatan ang Tzy Nation sa walang sawang pagsubaybay at pagsuporta.

“Thank you to all the Tzy’s out there. Keep going, that name’s going to make you better in ML!” sabi ni KarlTzy.

“To all our supporters, especially those carrying the Tzy name, don’t remove it! You’ll be better and stronger because of it!” sabi naman ni FlapTzy.