Hindi lamang pambabalagbag sa Celestial Palace gamit ang Aldous at Yi Sun Shin ang interes ni Danerie “Wise” Del Rosario ng Blacklist International.

Bukod sa kahanga-hanga niyang skills bilang Jungler ng isa sa pinakamalakas na Mobile Legends: Bang Bang teams sa mundo, kamangha-mangha din ang nabuo niyang libangan sa pagitan ng pag-iistream at paglahok sa mga tournaments.

May-ari si wise ng lumalawak na koleksyon ng samut-saring resin figures na talaga namang nakaw-tingin para sa mga fans na napapanood ang kaniyang vlogs.


Paano nabuo ang Resin collection ni Wise?

Sa isang panayam kasama ang One Esports Philippines, nilinaw ni Wise na bago umusbong ang interes niya sa mga resin action figures, una muna raw niyang pinangarap na magkaroon ng sariling aquarium na aquascaped.

Ngunit dahil high-maintenance raw ito, ibinaling niya ang kaniyang pansin sa kasulukuyan niyang hobby. “Mahilig kasi ako sa anime kaya naisip ko action figures na lang,” ani ng core player ng MPL PH Season 7 champions.

Dagdag niya, malaking parte raw ang ginampanan ng isang partner ng kanilang kupunan sa tuluyan niyang pagkawili sa mga resins na ito.


Top 5 items sa resin collection ni Wise

G5 Studio Hearts Pirate Set

Credit: Avolounge

“Kasi Law and Bepo talaga ang bias ko!”


Kawaii Studio Bepo

Credit: Anime Resin Arts GK Statues Gallery

“Sobrang cute. Legit!”


A Plus Studios Bepo

Credit: FavorGK

“Pinakamura kong resin pero isa sa pinakamagandang resin.”


G5 Studios Admiral Set

Credit: Resin Grounds PH

“Trinade ko MPL S7 AirForce 1 ko para dito!”


Yang & XZ Zoro

Credit: Resin Grounds PH

“Kahit hindi ko masyadong trip si Zoro, sobrang angas nito!”


Agimat ni Wise ang kaniyang Resin collection

May katumbas na halaga ang koleksyon ng mga resin action figures para kay Wise. Binanggit ng kalahati ng bantog na V33Wise duo na pakiramdam daw niya ay lumalakas siya kapag nakakakita ng mga resins.

“Parang agimat. Ganun kalupit!,” pabirong sabi ng Blacklist jungler. Pero gaya ng mga taong nahiligan ang pangongolekta, tiyak na ang resin collection ni Wise ay may kabuluhang mananatiling lingid sa ating pag-iisip.

I-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga iba pang kuwento tungkol sa inyong paboritong MPL PH players!