De kalidad na Mobile Legends ang ipinakita ng RSG MY nang talunin nila ang Todak sa score na 4-2 sa grand final para maging MPL MY Season 7 champion.

Sa kanilang unang season sa MPL, kahanga-hanga ang playoffs run ng RSG MY na nagdala sa kanila sa tuktok.

Nag-level up ang RSG MY sa MPL MY Season 7 playoffs

Nabuo ang RSG MY halos bago magsimula ang MPL MY Season 7, at kumuha ng mga beteranong players tulad nina Syno, Zaraki, Rush, at Logan. Sa kanilang lahat, si Lexia ang kapansin-pansin.

Mahirap ang unang tatlong linggo ng regular season para sa RSG MY. Nalugmok sila sa ibaba matapos makaranas ng mabibigat na pagkatalo. Pero nang pinagsama-sama nila ang tatlong key pillars na sina Lolealz, Izanami, at Zacus, nagbago ang kanilang kapalaran.

Kasama nina Kaizer at Lexia sa main roster, sobrang nag-improve ang performance ng RSG na nag-qualify sila para sa upper bracket ng playoffs.

Itinumba ng RSG MY ang mga top teams ng MPL MY Season 7

Walang nag-akalang kaya ng RSG MY na makagawa ng nakakabilib na run sa playoffs. Sa kanilang opening best-of-three match sa upper bracket, nagpakilala sila nang ilaglag nila ang defending champions na Todak sa score na 2-1.

Isa pang regular season league leader ang sunod nilang hinarap, pero na-sweep ng RSG MY ang Suhaz EVOS 2-0 sa semifinals.

MLBB MPL MY Season7 Playoffs Bracket
Credit: Moonton

At sa grand final, muling hinarap ng RSG MY ang Todak, nadehado sila ng 0-2 sa best-of-seven series bago nila ginapang pabalik ang 4-2 victory.

Nagningning sina Leixia at Lolealz sa huling series laban sa Todak

Sa grand final match, pinatunayan ni Leixia at ng squad na nagbubunga ang sipag, at sama-sama, nakuha nila ang upset win laban sa MPL MY Season 6 defending champions na Todak.

Maaring ituring si Leixia na bagong Lancelot king sunod kay KarlTzy. Sa kaniyang hero, lumabas ang husay ni Leixia, at nakayanang buhatin ang kanyang team.

Mahusay din ang ipinakita ng teammate nyang si side laner na si Lolealz sa kanyang Harith. Isang flexible na player, naipakita rin niyang kaya niyang pumitas ng mga marksmen at mages sa side lane. At dahil sa kanyang performance sa MPL MY Season 7 playoffs, sya ang tinanghal na MVP.

MLBB MPL MY Season7 RSG MY Lolealz Playoffs MVP
Credit: Moonton

“He played well, controlling the game, and made an important move to initiate and win a team fight,” ayon sa official Facebook post ng MPL MY.

Ang RSG MY at Todak ang kakatawan sa Malaysia sa MSC 2021 na magsisimula ngayong Hunyo.