Inihayag na ng RSG Philippines ang kanilang opisyal na roster para sa nalalapit na Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) PH Season 8.

Isa sa mga pinakamatunog na miyembro ng MLBB team ay ang sikat na streamer at content creator na si Elyson “Ghost Wrecker” Caranza.

Anong klaseng Wrecker ang aasahan natin sa MPL

MLBB RSGPHRoster
Credit: RSG PH

Sa isinagawang RSG Philippines press conference, nagkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports na tanungin ang Hari ng Trashtalk kung anong klaseng Wrecker ba ang aasahan ng mga fans sa parating na MPL.

Aniya, malayo ang ugali ng Wrecker na nakikita ng mga tao sa social media kumpara sa ugali nya sa totoong buhay. At magiging susi ang dalawang karakter na ito sa mga papel nag gagampanan nya sa RSG Philippines.

“Sa MPL scene, makikita nyo pa rin ako as the Wrecker na siraulo, the crazy one. Hindi ko pwedeng tanggalin ‘yon,” sabi ni Wrecker. “The moment na tanggalin ko si Wrecker sa MPL scene, magiging boring ang MPL scene.”

“Pero pag nasa loob ng RSG family, yung other side ko na. Si Elyson Caranza who is a theater director, script writer, at nagwo-workshop,” dagdag pa ni Wrecker. “Kasi ito na yung buhay ko dati pa, before entering esports. To mold others, to build them, to give them wisdom, to share my knowledge.”

Nilinaw nya na intact pa rin ang Wrecker persona sa MPL pero ang tunay na Elyson Caranza ang tutulong sa team behind the scenes.

Ang gustong makaharap ni Wrecker sa MPL

MLBB Wrecker Dogie
Credit: Ghost Wrecker

Tinanong ng ONE Esports si Wrecker kung sinong team sa MPL ang inaabangan nyang makaharap, at hindi nagdalawang-isip ang Hari ng Trashtalk sa kanyang sagot. “Si Dogie agad! Evos agad. I want to play with Evos.”

Ramdam ang pagkasabik at tuwa sa sagot ni Wrecker, at may mensahe sya para sa sikat na streamer at vlogger na si Dogie.

“I know bawal mag-trashtalk ngayon pero… Dogie, the rivalry is real. Pinaglalapit talaga tayo ng tadhana. Hindi tayo makakawala sa isa’t isa,” sabi ni Wrecker. “Gagawa tayo ng malaking bomba sa MPL scene.”