Ginawa ng pormal ang pagdating ng Singaporean Esports brand na RSG sa Pilipinas matapos ang RSG PH Launch press conference na ginanap Huwebes ng hapon.

Sa naturang presscon, inihayag ng brand, sa panguguna ng kanilang CEO na si Jayf Soh, ang paniniwala ng kanilang label at ang kanilang mga plano ngayong opisyal na silang lalahok sa eksena sa Pinas.

Kaalinsabay nito ang pagbunyag nila ng kanilang Mobile Legends: Bang Bang lineup na lalahok sa ngayo’y franchise-based nang MPL PH Season 8.


Maraming plano ang RSG sa PH eksena

Screenshot ni Calvin Trilles / ONE Esports PH

Ani ni Soh, prayoridad nilang makuha ang tiwala ng Pinoy fans kasabay ng pag-reveal ng kanilang bagong kupunan sa MLBB. Banggit din niya na alam nilang nakapakataas ng lebel ng kumpetisyon ng pinasok nilang esports title.

“Our first esports title was revealed yesterday. And we are very aware of the level of competition in the Philippines but we will put up a good fight,” ani ng RSG CEO.

“The Filipino market is a beast by itself. But we’re more than happy to participate and prove ourselves.”

Credit: RSG PH

Dagdag ng CEO, umpisa pa lamang ang pagbuo nila ng kupunan sa MLBB sa tahakin nilang maging pinakatanyag na brand sa bansa.

“We’ll be sure to be on the look out for other Esports titles,” ani ni Soh.


Lineup ng RSG PH para sa MPL PH S8

Credit: RSG PH

Nauna nang inanunsyo ng brand ang lineup na sasabak para sa kanila sa parating na MPL season. Katatampukan ng samu’t-saring personalidad ang lineup ng RSG PH katulad ng sikat na streamer na si Elyson “Ghost Wrecker” Caranza.

Kasama ni Wrecker, paparada rin para sa RSG PH ang mga MPL beterano tulad ni Dexter “Exort” Martinez na bumalagbag kasama ang Nexplay Esports noong nakaraang season.

Sasamahan din sila ng matitikas na gold laner na si Christian “Iy4knu” Manaog na dating naglaro sa ONIC PH at Arvie “Aqua” Calderon na huling naglaro para sa Cignal Ultra. Katambal nila ang mga dating Smart Omega pros na sina Kenneth “Kenji” Villa at EJ “Heath” Esperanza.

Kukumpletuhin ng mga rookies na sina  Eman “EMANN” Sangco, John Cedrix “Demonkite” Caranto, at Nathanael “Nathzz” Estrologo ang roster ng bagitong squad.

Screenshot ni Calvin Trilles / ONE ESports PH

Ayon sa country manager na si Richardson “RJ” Jacinto, ‘mix and match’ ang naging istilo ng pagbuo ng roster na ito. “We got the people with the best attitudes that coincide with RSG.” ani ng beterano sa industriya.


Wrecker sa kaniyang unang sabak sa pros

MLBB RSG Wrecker
Credit: Ghost Wrecker

Umalingawngaw sa social media ang pagpasok ni Wrecker sa RSG PH bilang pro player sa paparating na MPL season. Sa parehong press conference, ibinahagi niya ang pasasalamat niya sa brand sa pagbibigay ng oportunidad na ito.

“Basically, I’m very thankful for RSG. I need to double time to catch up with other pros so I can say that I deserve this opportunity given to me,” sabi ng sikat na personality.

“I never imagined being part of RSG. That’s why we are going to make the best out of it. We will do our very best to make it to the top. Maraming salamat. Andito nako sa MPL! Pro player na’ko eh.”

BASAHIN: RSG Wrecker: ‘Dogie, the rivalry is real’